photo

Hello, Hell Week!

Two days masakit yung braso ko dahil sa turok ng nar (isa lang daw kasi kaya du nars sabi ni allan K. Okay, last ko na yan. Haha) ng De Ocampo Hospital. Pero keri lang, tumigil naman yung pagsusuka ko na hindi ko alam kung ano nag-trigger hanggang ngayon.

Wednesday pa yun. Yung “I have to go die now.” moment ko dahil sa pagiging alipin ng salapi. Dalawang magkaibang shoot ang kinasa ko nung Tuesday. Isa para sa re-enactment ng Rene Saguisag episode ko sa Powerhouse ngayong darating na Tuesday 8 pm, manood ka! Haha At yung music video ng “Bilog” Yung “May bilog, may bilog, na hugis itlog.” tapos nangangarag pa sa Powerhouse for many reasons na hindi related dito. Haha

Anyway, Wednesday was really my hashtag LaslasNaFriend moment sa dami ng trabahong singtaas ata ni Kobe Bryant na sinabayan pa ng hindi isa, kung hindi dalawang sakit sa katawan.

Flashback to Monday.

Sabi ko sana dahil sa pagkain ko ng expired na Hersheys sumakit tiyan ko tapos wala ng option kung hindi mag-back out ako sa dami ng trabaho ko dahil na kaya ng katawang lupa ko. Tapos uminom pa kami ng isang bote ng Tanduay Ice kaya ang hopeful ko.

Tuesday. Waley. Tuloy trabaho. So Ngaragers Wednesday nga ko. Yung mga katext ko na alam na ngarag ako ng araw na yun, puro “Kaya mo yan” “You’ll survive this day” ang texts sakin.

Kala ko masu-survive ko na. Kaso kinagabihan, tambay na ko sa van ng Red Cross sa shoot. ANG SAKIIIIT NG TIYAN KO.

Last location sa Quiapo, suka pa ko. Lasing lang ang peg. Pahatid ang ngarag kong byuti sa bahay. Sabi ko, gusto ko sa mama ko.

Ayun. Pagdating ng bahay, tinatakbo ko yung banyo, more suka more fuuuuun! Dysmenorrhea X hilab ng tiyan.

Ending?

Ospital. Turok ng doktor ata o nars? Di ko na alam, sabaw na ko. Nagastusan pa ko ng higit isanlibo sa check up at gamot. Out patient. More suka sa kalsada pauwi, lasing ang peg part 2.

Akala ko nga sasabihin sakin hindi to masakit, ako talaga tuturukan ko rin siya nun kung sinabi niya yun.

Sa sala na ko nakatulog after, para malapit sa banyo.

Thursday. Usual feeling na lang ng may period.

Lesson? Sabi nga ni Daughtry, “Be careful what you wish for, cause you just might get it all. And then some you don’t want.” Gusto ko lang naman makapagpahinga, pero pucha, ayoko naman mamilipit sa sakit ng katawan.

Aal izz well pa rin. 🙂

 

Advertisements