Konting rant lang ha. Naiinis na kasi ko sa mga nakikita ko sa FB at Twitter posts ng mga tao on the other candidates. Akala mo kasi ang gagaling nilang lahat. Bat di kasi kayo nagsipagtakbo? E di sana naging mas maayos ang Pilipinas? Hindi yung puro rant kayo sa Facebook na si ganito, si ganyan walang kwenta bobo ang boboto sa kanya.

Puro rant to. Choice niyo naman kung tatapusin niyo basahin, basta walang sisihan kung binad trip ko kayo.

Kinilala niyo ba talaga yang mga ibinoto ninyo? E yung mga hindi niyo binoto? Seriously, marami na ong na-meet sa mga taong yan. I’ve seen them up close and personal, sa likod at harap ng kamera. At hindi sila katulad ng mga iniisip niyo. Yung mga tuwang-tuwa kayo, sukang-suka ako sa ugali. Yung iba namang lait kayo ng lait? Sila pa ang mas marunong makisama. Hindi sa sinasabi kong kilalang-kilala ko na sila, pero at least ako, masasabi kong mas kilala ko sila kaysa sa inyo.

The horror ng mga panlalait kay Nancy Binay halimbawa. Nakakahiya naman kasi sa makinis at maputi mong kutis, thank you, Likas Papaya di ba? May isa pa kong nabasa kanina, iba ang levels ng panlalait sa kulay at itsura ni Nancy, teh, magkasing-level lang naman kayo ng mukha. Hashtag manlait ng naaayon sa ganda. Matapang kong sinasabi to dahil pareho ko na kayong nakita sa personal ng maraming beses. 😉 Di ka rin kagandahan, may similarities pa nga kayo kung tutuusin. Yung qualifications, gora, laitin niyo ng bongga. Salat na salat talaga. Pero ang itsura talaga? Sure, laitera ako to the highest levels rin, pero ilagay sa lugar please.

Pati ang mga bumoboto nilalait din dahil hindi sila naligo o nagsipilyo o mabaho nung bumoto. Nakalagay ba somewhere na bawal bumoto hanggang hindi nagsisipilyo o naliligo? I was not informed. Ang bango bango at ang lilinis niyo kasi. Pahingi naman ng isang drum na alcohol panligo dyan o. Di kaya vacuum, walis na rin kung pwede.

Ang point ko lang naman, ang ingay nating lahat sa Facebook, I know ako sobrang ingay ko today, well, most days, pero nakakaloka talaga ung posts ng iba. So syempre sasabihin mo sakin, e di mag-deactivate ka. Deactivate your face.

At the end of the day, ano ba ang napala nating lahat sa mga panlalait, hate posts at kung anu-ano pang mga ito? WALA.

Why can’t we all be happy that we had an overall peaceful midterm elections? We’re getting there. Sana lang mas magkaron ng bonggang-bonggang qualifications bago ma-consider na kandidato ang isang tao. Kung kukuha nga tayo ng katulong, daming hinihingi; kung yung pag-a-apply nga lahat hinahanapan ng at least five years experience; kung yung trabaho ko nga ngayon nahirapan ako bago ko nakuha; kung yung pagpasok nga sa UP may UPCAT; yung pagiging nurse, teacher, lawyer at doctor may board at bar, bakit yung mga mamumuno ng bansa ang basic basic ng mga hinihingi?

Tama nga sila, “We accept the government we think we deserve.”

Ang Pilipinas, parang babaeng naghahanap ng true love. Ilang beses nang niloko’t nilapastangan ng iba’t ibang lalake, hopeful pa rin na makita si Prince Charming. Di yata’t naniniwala siya sa happily ever after? Bakit di na lang kaya siya magmadre?Ano, Prince Charming, naliligaw ka pa rin ba? Try mo baligtarin yung damit mo. O baka naman di pa siya ipinapanganak? O sadyang tanga rin lang siya o hindi na talaga sila magkikita? Wag naman sana.

 

P.S.

Dear FB friends na ang tatapang mag-post ng “Kapag nanalo si (insert name of candidate here) aalis/lilipat na ko ng (insert city here)”:

Kapag hindi niyo yan ginawa, wala kayong ipinagkaiba sa mga kandidatong kinaiinisan niyo sa pagiging so full of shit. Asahan ko change of address niyo ha. 

Advertisements