Naalala ko na kung bakit tumigil ako sa pagkuha ng payslip kada sweldo. Hindi dahil sa tinatamad akong makipila sa cashier at magpakita ng ID, hindi dahil wala akong time na bumaba, kung hindi nadidismaya ako sa napakalaking tax deductible na nakikita ko sa kada payslip ko. Tapos nun tinatamad na kong magtrabaho the rest of the day. E naisip ko, sayang naman ang ilang oras na ipagmumukmok ko at iaarte ko dahil lang sa kakapirasong papel na yan na pinapasakit ulo ko kada 10-25 ng buwan.

Today is a little bit different. No, hindi dahil sa bumaba ang tax ko, kung hindi ang LAKIIII ng tax ko, lokohan sa in-expect na TF at pinaasa ako at ang sangka-talent-han ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko kasabay ng pre-menstrual syndrome ko. Where have all my good hormones gone to? Or did I really have good, happy hormones in the first place?

Seryoso, gusto ko umakyat sa 17th floor para lang sumigaw ng malakas na malakas na malakas. Kaso tinatamad ako maghintay sa elevator ng annex dahil hindi pinapagana ung isa ( na gumagana ngayon, wow, thank you!) at tinatamad din akong pumila sa jampacked na elevator sa main bldg. dahil hanggang 12 lang ang pwede sumakay dahil ang luma luma luma luma ng elevator. Kung suswertihin ka, magyo-yoyo pa kayo sa elevator. Woohoo! Free ride, prelude ng family day sa June 10 sa EK ng kumpanya. Yung family day na hindi ka makakapagsama ng pamilya kapag hindi ka regular at talent ka lang. Tulad ko. Alone day naman yata talaga dapat ang itawag dun.

Teka, lumayo na ko sa tamang landas na nira-rant ko, ume-Eros Atalia na ko. Sa totoo lang, marami pa talaga kong dapat trabahuhin e, eere pa nga ko next week, kaso nawalan ako ng gana ituloy muna yun, baka umasim ung trabaho ko, sing-asim ng nararamdaman ko ngayon.

Lesson learned: Wag mag-expect hanggang wala pa sa kamay mo ang salapi. So for now, baong kutson, bagong cabinet at ilan pang bagong pinangarap kong pagkagastusan, dun muna kayo sa likod ng utak ko. Sakit sa ulo. Hashtag adult problems pa ko sa mga bayarin sa bahay, utilities. Lilipat pa naman kami ng bagong apartment dahil sa linsyak na dating housemate na gago gagong aawayin kami tapos ngayon aatras din pala?! Ano teh, sana di ka na lang pumalag nung una pa lang.

Kapag naiisip ko yung sangkaterbang effort, pagmamakaawa, pagpapakumbaba, pagpapacute, pagsisinungaling, pagja-juggle ng ilang trabaho, hindi pagtulog, paggising sa gitna ng gabi dahil wala ka pang case study at kung anu-ano pa, tapos titingin ako sa huli kong payslip, naiisip ko tuloy, the fuck, is this all worth it?

Ang dami kong galit at rant pasensya na. Naiisip ko kasi na this is where all my taxes go:

gloria1

 

Heavy-Traffic-in-Edsa

 

philippines-poverty-2009-8-25-4-10-50

 

tumblr_mkx8dwWFca1qax99wo1_500

And this is where all my taxes SHOULD HAVE GONE TO INSTEAD!

shoes

 

SONY DSC

 

Outset

 

23_party-dresses

Pati yung pangarap kong bagong kutson at bagong cabinet, isaisantabi ko na yata muna. Teka, sinabi ko na yata un.

Kaya kung nagtatrabaho ka at hindi ka bumoto nitong nakaraang eleksyon, sabihan mo ng isang napakalutong na “Ulul” ang taong sisita sayo na puro ka reklamo. Karekla-reklamo naman talaga ang mga nangyayari diba? Hoy pera ko yan pinangkain mo sa hotel, sarap sabihin kay Gloria.

Pero siyempre at the end of the day, kahit pa sabihin ko sa sarili kong sumerbisyong totoo ka naman e! Wala, wala pa rin. Sana man lang give people what is due to them. Okay. Di ako masaya. Kanina pa natin na-establish yun.  Kayo lang dyan sa mataas ang sumaya. Haaaaay. Carmina, ginusto mo yan, walang pumilit sayo.

Now I should start rethinking life decisions.

Eto lang ata ang mabibili ko sa election raket money ko:

sewing machine

 

Ang saya talaga dito.

Hashtag more fun in the Philippines!

wasting tax payer's money more fun in the philippines

 

Advertisements