It has been almost two years of working as researcher for a show that features rich and famous personalities and their homes and I must tell you, I have met a lot of the shakers and movers of the industry and have seen a lot of their houses.

So anong point ng post na ‘to? Wala lang, ang dami ko lang napapansin sa bahay ng mayayaman na baka di mo napapansin, e di ishe-share ko na. Para man lang kung gagawa ka ng bahay, at may pagka-social climber ka e, may idea ka diba? šŸ˜‰

Siyempre una na dyan ang malaki. Pag mayaman dapat malaki bahay, naka-uniporme mga katulong, mapapa-wow ka sa laki ng bahay. So far, ang napa-wow ako talaga e yung almost 1 hectare house ni JPE. Di mo kilala JPE? Gugol mo.

Nakakaloka ang mansion, at ang chapel, yes, chapel sa loob ng bahay. I can’t even…

Pangalawa, at nandun na rin naman tayo, e yung mga eccentricities o mga what the fuck may ganyan ka sa bahay moments.

Bukod sa chapel, may bahay na may elevator. May bahay na may swimming pool. O e weno naman, pag mayaman may pool naman talaga, here’s the thing. Salt water yung pool. WTF?! May bahay na parang museum sa dami ng antiques. May bahay na historical in the sense na dito pinlano ang EDSA 1, EDSA 2 at coup against Cory Aquino. Coooooool.

Pangatlo, bahay yan ng mayaman pag andyan sina Cacnio, Orlina, Amorsolo, Castrillo, Sanso, Arellano, Imao, at kung sinu-sino pang antional artist sa arts. Which brings me to: lahat ng mayaman may painting, o painting aficionados. Di ko rin alam, baka wala silang paglagyan ng pera nila. Ewan.

Bukod sa painting collection, pag mayaman, hindi lang sala, dining, bedrooms, kitchen at pool ang nasa bahay nila. Makakarinig ka ng den, entertainment room, trophy room (kung sportsman o overachiever) pergola (i-Google mo ulit), music room (kung musician) at hindi lang isa ang dining area. May napuntahan ako, tatlo yung dining area nila. Yung iba naman, may dining area at formal dining area. Hahaha. Nakakatawa.

Tapos kapag naki-washroom ka, yung banyo may painting din. Seryoso. Wala na atang paglagyan. Hehehe Di kaya may mga anik anik sa loob na pandisenyo rin.

Karamihan ng mga bahay walang orasan o wall clock, don’t ask me, di ko rin alam kung bakit, pero I heard ha, yung bahay ni GMA puro orasan.

Alam niyo rin ba na wala silang TV sa mga sala? Kasi daw, sala ang lugar para makipag-usap sa bisita, etc. e bat lalagyan ng TV? Di hindi nakapag-usap. Kaya may entertainment area.

Pag old rich, ang bahay palapad, I mean palakihan ng floor area, bungalow usually at walang second floor. Yung mga nouveau rich naman o bagong yaman, very ostentatious ang laman ng bahay.

Yung mga old rich, sa totoo lang, aral lahat ng galaw, shet ang babait, or ang gagaling makisama sa tao. I’m not saying na hindi mababait ang mga nouveaus, pero kitang-kita mo ang diperensya ng mga taal ng mayayaman sa mga biglang yaman, yung class, hindi talaga naaaral, innate talaga.

Sila rin yung maraming antique na gawa sa narra, kamagong, molave na minana nila sa mga kalololohan pa nila, may grand piano, maraming framed photos ng pamilya sa lugar at mga travels.

Pero hindi naman lahat ng mayayaman at sikat e maganda bahay. Meron mga mas pinipiling simple lang ang pamumuhay. Sila yung mga nanatiling nakatapak ang mga paa sa lupa at hindi masyadong nagbibigay ng atensyon sa bahay nila. Kadalasan yung mga sportsman natin yan. Simple lang, ang astig. Parang walang pinagkaiba sa bahay ng mga middle class. Nakakagulat. Yung iba nakakalula, ito, humbling. Galing.

Sa loob ng almost two years, marami na kong nasilip na bahay at nakitang buhay. Eto namang mga sinabi ko dito e personal kong obserbasyon at hindi ng show na pinagtatrabahuhan ko, okay? Haha. Para clear lang.

Pag yaman ko, isa lang sure kong gagawin, ipunin ko mga pictures ko mula pagkabata, kasi kawawa naman ung mga researchers na walang pang-insert sa sit down interview. Haha! At talagang kineclaim ko na mafifeature ang life story ko di ba? Hahaha.

Waley, feeler lang to, kasi ang tagal na walang post. Nakakahiya naman sa 10 readers ko. Lol

Advertisements