Overkill.

.

..

Ah, you want my two cents’ worth? Ayaw mo ng one word. E sinurmise ko na a? Haha.

Sa totoo lang, nung isinalibro pa lang, na-overkill-an na ko. Nasa internet naman, mas kumpleto pa, bakit isinalibro pa? Sales lang, pinayaman lang natin si Monra. Not that I loathe Monra, I like him!

O here’s the proof:

monra

Going back to the movie, have you seen the movie poster? Hindi pa? Here.

download

 

O ngayon mo sabihin sa kin kung bakit hindi siya crush ng crush niya. The poster pa lang says it all. Kung ganyan ang itsura ng abbae e papansinin at maka-crush-an mo ba siya? Wag mo kong dadaanin sa beauty from the inside shit ha. Nakikita ba agad ang kabutihan ng kalooban? Magtigil. Wag ako ha. Panlabas na anyo nauuna bago ang kalooban, puhlease.

Ano ba naman to. Another trashy pang-hindi nag-iisip movie. Nakaka-degrade ha, na ganito na lang ang kayang i-offer ng movie industry satin? Nakakapanliit.

If I must add, hindi ko alam kung sa papaanong paraan nila nagawan ng anggulo na isapelikula ang libro. Hindi naman sa sinasabi kong ang galing kong writer na e ako nga di ko maisip kung paano e, sila pa kaya? Mahirap i-pull off, magmumukhang pilit, considering na ang pilit na nga ng pagkakasalibro ng formspring.me na ito.

It was really fun reading it in formspring, na sadly ngayon e wala na. Baka ito ang dahilan kaya isinalibro, di kaya?

Ang sinasabi ko lang naman, kung nabasa mo na yung libro o kung naabutan mo man ang formspring, sasabihin mo ring medyo imposible siyang gawin lalo na kung gusto nilang i-touch lahat ng mga naidulog na problema sa libro. Medyo imposible ang sinabi ko kasi ginagawa na nga, ewan ko lang kalabasan ha. Mukhang tanga talaga at chopseuy ang labas.

Kung tipong Love Actually pa ang peg na maraming tao ang involved with intertwining stories, baka umubra pa. E si Kim Chiu at Xian Lim lang ang bida, so paano? Krungy.

E kung yung mga libro ngang may isa lang na storyline nachachakahan ang karamihan pag isinapelikula, eto pa kaya? Tanggapin na lang natin na hindi lahat ng libro ay pwedeng isapelikula, gaano man ito ka-hyped sa mga tao, tulad na lang nito.

E kung Para Kay B na lang kaya isapelikula niyo? Baka umubra pa.

Yun lang. Overkill. Tsk.

Advertisements