“Ikaw, wala kang ka-pati-patriotism sa katawan no?”

photo 3

Marami akong angst sa buhay. Pero wala daw akong ipinaglalaban na para sa bayan. Until Janet Napoles came.

A friend told me that statement not too long ago. To which I respond with, (I think): Porket di ako nagra-rally wala na kong pakielam sa bayan ko. Tulungan ko muna sarili ko bago ko matulungan ibang tao no.

Frankly, I didn’t mind that he told me I lack patriotism. Or that I can’t even follow simple traffic rules, like crossing the street only when the traffic light is on red. Red means “go” in my dictionary, I’m sorry. For the record though, I try as much as I can to follow traffic rules, I only break them when I am in such a hurry, or I think that the damn stop light’s broken. Like how broken the whole government is, apparently. Bulok.

Uyy, balik tayo sa topic, ang defensive ko na. Haha.

title-card-640-millionpeoplemarch-20130826

Yes, you read that title right. I did go to the #MillionPeopleMarch na pasimuno ni Ito Rapadas at ng friendships niya noong makasaysayang Lunes, Agosto 26, 2013, Araw ng Mga Bayani.

On normal days, I wouldn’t drag myself out in public protests, I would participate in online forums yes, pero eto talaga, nakakapagngalit ng mga ngipin, nakakaiyak sa inis at nakakapagpa-high blood sa kahit na sinong taxpayer na kailangan kong tumayo mula sa harap ng laptop ko at pumunta sa Luneta.

1098411_10201956815270533_643283957_n

I just have to report this. Moving.

Actually, bukod sa nakabubuwisit na kaalamang naibulsa nang ganun ganun lang ang 10 bilyong piso ng walang kasing baboy na ugali ng babaeng ito, kapag naiisip kong “Uy, pucha, ilang sapatos, ilang damit, ilang travels, ilang masasarap na pagkain na sana yung naipambili ko dyan sa putanginang tax deductible na yan! ” e wala, high blood levels talaga ko.

Alam niyo ba, matagal na kong hindi kumukuha ng payslip ko e, kasi kapag nakikita ko yung malaking tax deductible sa payslip, nakakaiyak na minsan e. Puchang yan, ipang-paparty at ipinambili lang pala ng sapatos na may Swarovski. Pucha, ginamit lang para ma-meet si Justin Bieber! Putangina talaga Justin Bieber pa?! Walang ka-taste taste sa musika, pero ano bang ine-expect natin sa magnanakaw? Magka-taste? E ang distasteful nga ng ginawa e! Pucha, ipinampaayos man lang sana ng mukha diba? Para man lang hindi niya na sasabihin na “Kuya, wag mo na ko picture-an, bibigyan na lang kita ng picture. Ang haggard ko ngayon e.”

E puta kang gaga ka, kung ginamit mo yung pera namin pampaganda mo, mas nakasagot ka pa sana nang mas maayos sa roundtable discussion, shit ka.

Anyway, yun lang naman. So niyaya ko yung kapatid ko na magpunta sa protest rally, bilang pareho kami ng mga hinaing sa buhay tungkol sa issue na ‘to.

Pucha, pangluho mo na, naipam-Beverly Hills party at Ritz Carlton suite pa nang iba. Tsk.

C360_2013-08-26-16-42-55-173

Excuse my face. This picture was taken when I had to flip my head to keep my hair outta my face. Lol at my face.

Late kami nagising. Late din kami dumating sa Luneta. Pero okay lang, wala namang call time. Picnic lang naman ito ng mga taong galit kay Napoles at sa sindikato niya.

Siguro kaya sa Luneta ginawa kasi dun binaril ang martir at bayani. At kaming mga taxpayer ang mga makabagong martir na bayad ng bayad ng tax para sa walang kakwenta-kwentang gobyerno at mga bayani dahil oo, nakakahiya naman sa iba diyan na puro reklamo lang e kulang naman sa aksyon.

photo 1

Finding it hard to smile knowing where my tax went.

Nakiayon ang langit. Malamig ang paligid. Hindi mainit para saming mga first time raliyista at ayaw umitim. Oo, ito pa rin ang una kong rally kahit na ilang beses na kong pinadala ng ROTC subject ko sa mga walang kakwenta-kwentang rally na wala naman akong pakialam sa mga ipinaglalaban nila at ginamit lang kami para dumami. Filler.

Maputik ang walang damo na parte ng Bagumbayan, nakurakot ata ang ipangtatanim sana dito. Mabuti walang nadulas. Masayang pagtampisawan ni Napoles at ng sangkababuyan niyang sindikato yung putikan, sayang nagtatago siya ngayon at ang mga mahilig makisawsaw na pulitiko.

Bukod kay Corona na ewan ko ba anong iniisip bat andyan ka? Anyare?!

photo 2

Wear white daw. Pero hindi nainform yung iba.

Masaya ang mga tao. Ramdam ko ang excitement, ang pagkakaisa habang sabay sabay na sumisigaw ng “Makibaka, wag magbaboy!”

C360_2013-08-26-16-39-33-059

Bumped into Luther, who went on his own. Imagine ang galit niya na nagpunta siya kahit mag-isa lang siya. Pwedeng mag-rally mag-isa, oo.

Yun nga lang, nakakalungkot na kulang na kulang ang organization na naganap. May mga panahong dead air. Hindi masyadong gripping ang mga pangyayari kaya siguro kalat kalat mga tao. Pero kudos para sa speech ni Juana Change.

Wag kang tamad. Kung wala ka sa #MIllionPeopleMarch i-Google mo nang matauhan ka sa challenge niya sa lahat ng mga dumating sa pinakamapayapang protest rally na napuntahan ko.

Walang nagkalat. Ayaw ng mga taong mababoy ang lugar tulad ng pambababoy ng mga sangkot sa PDAF scam. Mabuti naman.

C360_2013-08-26-16-40-22-484

Smiling here finally. People were, “ang cute niyo. terno pa kayo.”

Dalawang pares ng sapatos ang nagpunta sa makasaysayang rally sa Luneta. Dalawang pares ng paa ang nakibaka, nakisigaw at nakiisa laban sa pork barrel scam. Dalawang walang pakialam na mga kamay ang nagtaas ng kamay at gumawa ng thumbs down sign. Dalawang maaarteng babaeng nakuha pang magterno para di magkawalaan sa lugar kung saan libo libong mga nakaputi ang dumating para sa panawagang #ScrapPork.

Mga ulol niyo. Di niyo kami magagago sa pangungunang speech na tatanggalin ang PDAF.

Update: May patong na sa ulo ni Janet Lim Napoles para sa kung sinumang makakapaghain sa fiesta ng ulo niya. May plus point daw kapag may apple sa bibig.

Grabbed photos from everywhere and Cat’s blog here.

Advertisements