Whuuut?

That action-thriller-relevant-to-this-days flick On The Job is a love story/prince charming you’ve never had masquerading as an action film? Haha.

Para sa mga nakanood na, alam ko na gusto mong sabihin, “Carmina, are you nuts? Ano na naman ang hinithit mo?”

Para sa mga walang alam pero nakita na ang movie poster, “Carmina? Anong trip mo? E ang laki laki ng 9mm na hawak ni Papa P.”

At para sa mga walang alam, “Uuuy, nood tayo On The Job, love story daw sabi ni Carmina, e di ba magaling gumawa ng romcom ang Star Cinema?”

Wala lang. Pakielam niyo ba kung yan ang description ko? E ipapaliwanag ko naman wait lang. Haha.

tumblr_msg73hVUmA1qafqc1o1_500

DISCLAIMER:

Di po ako in love habang isinusulat to. Gusto ko lang na ibang klaseng review naman mabasa mo. Kasi kung hindi, uulitin ko lang lahat ng sinabi nilang maganda tungkol sa palabas. E di hamak naman na mas magagaling yung mga taong yun mga Roger Ebert levels, sila na lang basahin mo diba?

Pero kung gusto mo ng nagmamaganda at nagmamalalim na review, e eto siguro hinahanap mo.

……………………………….

Hindi ito love at first sight. I think almost a week ago na when I saw this movie via clickthecity.com when I’ve been dragging a friend to watch “Kick Ass 2” with me. (Tapos isipin mo na lang, di pa rin ako nakaka-move on. Ganun siya kaganda!) E kaso di na showing, so sabi ko iba na lang. E kaso di ko feel yung ibang movie, so di na kami nanood. Days later, Julianne, Viber-ed us saying ang ganda ng pelikula. Deadma. Days later, people on my news feed are raving about the movie as well. Curious konti. Then came in my sister Cat who said “Manood ka!” Curios na ng bongga.

So I did.

And so my one hundred twenty one minute love affair with the movie began on Thursday, September 5, 2013. I was at awe. Hindi ko alam kung bakit. Sa sobrang ganda? Siguro. Sa sobrang gripping ng script? Malamang.

It’s like having a bad case of Last Song Syndrome. Alam mo yung, yun lang yung paulit-ulit-ulit na nagpe-play sa utak mo. Parang nung kasikatan ng “Pusong Bato” o “Just Give Me A Reason” na kahit ayaw mo na e andun pa rin. Alam mo yung feeling ng in love na parang takbo siya ng takbo sa isip mo. Yun ganon. Yung, pwedeng mag-move on mga te, pero parang di ko kaya, na kailangan ko pa siyang isulat para lang ma-exorcise yung thoughts. Maitae ng utak ko, parang diarrhea e.

It’s like you’re so in love you want to tell everyone how in love you are, or you might just burst if you won’t. Alam mo yung kailangan mong ipagkalat sa lahat na ang ganda ng pelikula? Na kailangan itext ko yung mga taong malalapit sakin para lang sabihing “Ang ganda ng OTJ! Napanood mo na?” Na kapag sinabi nilang “Di pa e.”  e pipilitin mo silang manood or kung napanood na nila e gusto mong makipagkwentuhan ng makipagkwentuhan on how amazing this movie is? Yung tipong ang sarap ikwento sa lahat na “Waaaah! In love ako. Tapos alam mo ba ganito kasi siya, hihihihi” o kung kilala nila yung kina-iinlaban mo e “Tapos diba ganito siya sakin, ang sweet niya, ang bait niya, eeeeeeh” Yun mga ganung levels.

It’s like sobrang amazing at iba lang niya sa ibang lalaki kaya hook na hook ka.  Alam mo yun, wala kasi tong mga eksenang “Lumabas ka na, napaliligiran ka na namin!” moments o namatay na kapatid, nanay, jowa na kailangan mong tumingala sa langit at sumigaw ng “Isinusumpa ko, sa puntod mo Maria, ipaghihiganti kita. Magbabayad lahat ng gumawa nito sayo. Mariaaaaaa!” Yun walang ganung cliched moments. Walang nawawalang diary, o anak, o may amnesia. Wala yung mga tanginang yan, di naman yan nangyayari sa totoong buhay moments pinaglololoko niyo ko. Yung simple lang, parang action speaks louder than words. Nag-I love you kasi mini-mean niya, hindi yung nag-I love you kasi kailangan sa eksena, o para makuha ka. Wala, walang ganun. Nakaka-in love lalo.

It’s a surprise! A very welcoming surprise. Alam mo yung akala mo okay na pero shet, shet, shet, yan na! Alam mo yung mga pleasant surprise na mas nakakakilig pa nga kung tutuusin. Hindi pilit. Ganun.

It’s not a “prince charming.” Hindi ito yung traditional prince charming na huwaw ang pogi swept you off of your feet Disney movie kumanta lang in love agad ang peg. May flaws. Hindi totoo si Prince Charming. I mean, sure, naka-leather jacket action star cliche si Papa P., naka-kwintas ng tsapa si Joey Marquez, bakit alam ni Joey Marquez kung ano yung sasakyan nila Gen. Pacheco agad level ng flaws o loopholes,  pero mapapatawad mo e. Alam mo yung mga lalaking di naman gwapo, ang chaka ng porma niya, ayy, di siya sweet ganyan pero forgivable pa rin naman dahil sa dami ng plus points? Yun. Parang ganun.

It’s heartbreaking. Like how most guys are, heart breaker ang pelikulang ito. It leaves you with that certain emptiness after watching the movie. Para kang nakipag-break sa isang napakagandang relasyon. It shows you the reality na tangina ang bulok ng sistema, o tangina, di totoo ang true love, lahat ng mga lalaki manloloko kayo! Pero willing ka pa ring magpatawad at bigyan ng isa pang chance, yung tipong, papanoorin ko ulit tong pelikulang ito.

It’s gives you that certain kind of hope that love, does exist. Na may pag-asa pa ang pelikulang Pilipino. Na hindi lahat sila ay bulok. Na hindi basta gawa natin predictable. May pag-asa pa tayo. And all it takes is one Erik Matti film, a powerful ensemble headed by Joel Torre, a gripping and superb screenplay that will leave you wanting for more.

.

..

Hindi ko alam kung san ko hinugot ang comparison ng pag-ibig sa OTJ. Siguro dahil ganun ako ka-in love sa palabas na ito. Na hanggang ngayon ay hindi ako maka-move on. Na pucha, gustung-gustung-gusto ko talaga panoorin ulit tong palabas na to habang hindi pa pinu-pull out sa mga sinehan.

I’m wishing kahit isang week pa. Sayang naman, para mas maraming tao pa ang maniwalang may pag-asa pa pala ang mainstream na pelikulang Pilipino. Na hindi puro mistress movie lang ang kaya nating gawin.

Kung di mo pa napapanood, hindi mo siguro mage-gets yung mga pinagsasasabi ko sa itaas. Kaya di ako gumagawa ng movie review e. Feeling ko pangmatatalino yun e. Haha! Pero kung napanood mo na, tama naman ako diba? Para siyang love story o yung prince charming sa totoong buhay. Yung tipong kung screen writer ka, mapapa-“Putang-ina bat hindi ko naisip isulat to?!” ka.

Sa huli, wish ko lang talaga no, kahit konti man lang, maka-move on na ko sa pelikulang to. Ang hirap e. Ang hirap-hirap. Hahaha!

Reasons not to watch this movie?

None.

Pero sige na nga. Para di naman sayang ang ipinunta mo dito.

Eto 10 Things About OTJ (My Two Cents Kuno):

1. The script is just freaking awesome. Erik Matti, Michiko Yamamoto, thank you.

2. It is coupled with a very good soundtrack. Although, yung ibang scoring, parang okay, bat andyan yan?

3. Joel Torre. Ulitin ko lang yung post ko sa FB: In an interview we did for Sir JT’s #Powerhouse episode, Direk Peque Gallaga, who discovered JT, said that he has the makings of an action star. Kaya lamang ay nalipasan na ng panahon matapos niyang ma-typecast sa mga drama roles kaya sayang. Kaya ngayon, puro tatay roles na lamang ang napupunta sa kanya. Until #OnTheJob came. That chase scene with Joey Marquez! With all due respect Direk, mali po kayo. Masarap sabayan ng JT’s pecho ang movie na to. Sabi nga ni Gerald Anderson, “Tang-ina!” PS Masama palang panoorin to matapos magshoot ng tungkol sa baril. Lol

4. The rise of “Uy, buhay pa pala siya!” I mean: Vivian Velez (na syet, lakas maka-Chungking Express ng mga shots at itsura) at Rosanna Roces (na pucha, ang galing pa rin umarte)

5. Gerald Anderson is a revelation. Pucha, marunong palang umarte tong batang to!

6. Alam mo yung “Ayan na!” dalian niyo! At “Putangina I didn’t see that coming moments!” Sorry for the curses.

7. Joey Marquez’ comic timing is perfect.

8. JT and Gerald’s mentor-protege scenes paralleled with Michael De Mesa and Piolo Pascual’s is just, just, beautiful.

9. Bakit kailangan ng sex scene? Pwede namang wala na. Sana in-explore pa ung role ni JM de Guzman. Heartbreaking yun o kung nadeads siya or something.

10. Yun yung reyalidad ng buhay. Hindi ako niloko. Worth my P180.00. Pinakamurang pelikula pero pinakamakabuluhan naman na napanood ko. So far.

Ganito ako kagandang-gandang-ganda sa palabas na ito:

Screen_20130909_213321

Oo, kinailangan kong itext si JT para lang i-congratulate siya. Alam mo yun? Ganun ka-astig e na kailangan kong masabing “Sir! Ang galing galing galing niyo po!”. Oo, ganyang levels ang closeness namin. Textmates kami. Artista ko e. Ka-hobnob ko mga artista sa pelikulang to.

Ayaw mo maniwala?

399099_3530826388757_1252129045_n

 

Uuuy, makasandig ako kay Papa P wagas. Hihihihi

IMG-20120920-00125

O diba? Artista? Chareeng. #perksofworkingforthemedia lang talaga ko. Haha! May pagkakataong swerte lang talaga.

SA TOTOO LANG ANG DAMI KONG SINABI PERO ETO LANG TALAGA GIST NG LAHAT NG YAN:

GO. SEE. THIS. MOVIE. KILL. YOURSELF. IF. YOU. WON’T.

Yan. Naka-Bold, Italic at Underline para sa emphasis. Di ko lang mahanap yung font size e. Lakihan ko pa sana.

Advertisements