Pauna: Gusto ko lang sabihing sobrang busy ko habang tina-type ito (like 10 topic proposals busy, so ano namang paki mo dun diba) pero dahil sa isyung ito ay hindi ako masyadong makapag-isip ng matino dahil nakakagalit sa totoo lang ang ginawa ni Mark Joseph Solis. Nakakahiya ka kuya, hindi dahil sa taga-UP ka, kung hindi dahil plain and simple nakakahiya ang pagnanakaw na ginawa mo. Mas nakakahiya ka pa sa snatcher at hold upper.

320_2013_09_23_13_50_04meet the boy in yellow who made the country infamous again. for the nth time. the new poster boy for kanser ng lipunan.

Dagdag ka pa sa kanser ng lipunan.

Ayun, so I don’t know if anybody noticed that I have not rant about this issue yet on Facebook or Twitter (wow, feeling lahat ng opinion ko nagma-matter) but to those who may have think that “Hey! Bakit hindi nag-iingay si Carmina sa isyung ‘to e malapit sa puso niya ang salitang plagiarism” e dahil nga busy ako. Ngayon lang ako nagkapanahon!

Haha!

If you still don’t know what I am talking about, then what are you doing in this page? Read the damn newspaper, watch the news, Google it!

2013_09_22_21_48_12The photo he grabbed and passed as his own, not just to one contest, but in helluva lot photography contests.

So to keep the long story short, may isang magnanakaw na nag-grab ng Flickr photo ng isang George Smith at isinali sa contest. Sinabi niyang litrato ito ng isang Zambo boy sa gitna ng bakbakan. Nanalo si magnanakaw tapos nalaman ng tunay na Anna Karenina  ayyy, ng may-ari ng picture ang nangyari kaya nagreklamo siya sa grabeng copyright infringement na nangyari sa kanya.

So ayun, dahil nahuli siya, nag-apologize kuno si Kuya, nag-crocodile tears (sabi ko lang) at nagdeactivate ng SNS niya. Oo, ini-stalk ko na siya kasi gusto ko sana siyang murahin sa mga kagaguhang pinaggagagawa niya sa buhay niya. Chos lang. Gusto ko lang malaman anyare na kay Kuya.

Nagsabi siyang amateur shit chorva na gayahin ang gawa ng mga magagaling na, na hindi niya kaya. Pero wag ka, ilang beses niya na palang ginawa! Not once, but many times! He’s passing off pictures that are not his own and give them different captions and stories. E kuya, kung ganya ka kagaling humabi ng storya, di ka ata dapat nag-photographer, baka writer pwede pa.

Nag-sorry lang dahil nahuli, ang kapaaaal ng mukha, di na nahiya, dapat sa’yo pasabugin ang mukha.

Nakakahiya, di ka na nahiya sa magandang hangarin ng Chilean Embassy. Di mo na inisip na nakakahiya lalo tayo sa buong mundo. Di mo na naisip na sisikat na naman tayo for the wrong reasons. Pwe.

Dahil dito, netizens are enraged, lahat sila may masamang nasabi kay Mark Joseph Solis sa pag-plagiarize niya ng gawa ni Smith, na para pa pala sa foundation niya! Uuuy Mark, ano? Mga batang mahihirap ang ninakawan mo. Nakakahiya ka.

Ang mas nakakatawa pa, graduate ng Public Administration si Mark! Rings a bell! Ang agang training sa pagnanakaw naman niyan! na-immerse ka lang sa Senate ganyan ka na mag-isip? O ganyan ka na ever since? Anong environment ang kinalakihan mo? Pwede bang mabawi muna ang kinamkam nila Napoles, Revilla, Enrile, at Estrada bago kami naman ang nakawan mo? Pwede po ba yun?

Yung iba naman, well mostly, even the newspapers are all UP student plagiarizes, UP student blah, nakakahiya ka, taga-UP ka pa naman, which brings me to: So kung hindi siya taga-UP, hindi ba siya gaanong nakakahiya? Slight lang ba? Okay lang na nagnakaw siya?

I mean, what the hell does his school got to do with it? So pag-UP student di pwedeng mag-plagiarize? Dalisay? Ayyy, paabot po ng walis at vacuum, ang linis linis po rito.

Don’t get me wrong, I have met lots of UP grads na saludo ako, in fact, galing na galing ako sa executive producer namin. Pero kasabay niyan, meron din naman akong mga nakikilalang ikinagugulat ko talaga na taga-UP siya. Parang “taga-UP ka???? Di nga????” The point is, que taga-UP siya o taga-Ateneo o taga-(insert mababang level ng education of school here) e nagnakaw pa rin siya. Yun na yun, bakit kailangan i-superimpose, bold, underline, italic at capslock ang UP graduate? Bakeeet?

San nga mostly graduate ang mga magnanakaw sa Senado at Congress ngayon?

‘To naman si Kuya, naturingang taga-premiere state university na pahirapan makapasok, hindi nag-iisip. Pag nakita kita at binigyan ako ng pagkakataong tanungin ka, eto yun: Dude, did you actually believe that you are going to get away with it? What were you thinking? Or you weren’t, right? Cause if you were, you wouldn’t have done this to yourself! Are you that stupid? Or are you just so full of it, you think you’re so smart people are not going to find out about it? Seriously? Seriously!

Nakakagalit para sa mga taong nagsasayang ng creativity nila para sa craft nila. I should know, one of my articles have been plagiarized by my own writer. The funny thing was, I didn’t even recognized I wrote it with the tons of articles I have written about pulse oximeter.

My boss, then, checked it with a plagiarism checker website and poooof! There are hits everywhere. And I mean word per word, punctuation by punctuation, my entire article was copied. Well, at least she had the decency to change the byline and the title. And I think we may have lost the client, I don’t know, I can’t remember anymore.

They say imitation is the best form of flattery, but I guess that writer-plagiarizer whose name I can’t remember anymore and this Mark Joseph Solis guy didn’t get that quotation right. Writer ka ba talaga? Photographer ka talaga? Haven’t heard of pegs? Like kung peg mo, pero may babaguhin ka to make it yours?

Ang isa pang nakakatawa e galit na galit tayo sa kanya, pero sa totoo lang ha, sino sa ang inyo ang hindi nag-ctrl c/ctrl v combo ever?

“He who does not made that powerful combo in high school and college cast the first computer!”

Kelilinis, di naman marunong magsipagbigay credit. Gaganda niyo dyan.

In the end, always remember to give credit to where it is due, people.  Ikamamatay niyo ba kung hindi niyo ilalagay ang source niyo? Parang di naman yata. E sa Instagram nga, mag-repost ka lang may credit pa e!  Kasalanan mo, di mo naunang maisip yung ginawa niya. Kulang ka sa talento.

I have learned it big time in this industry I work in. Unless I want to get fired and sued for copyright infringement, we have a strict, no permit, no airing policy. I don’t know if that same thing goes for other networks.

To Mark Joseph Solis, tiis tiis lang ng konti kuya. Mabilis naman makalimot ang mga Pilipino, ilang weeks o buwan pa, hindi ka na rin namin kilala. Mapapa-sino nga ulit yung taga-UP na nagplagiarize? na kami.

People are saying that he should be ripped off of his diploma and all his works be reviewed to check if all of those are entirely his. Uy, mahirap yun. Because you know, we all did quote and paraphrase during our thesis days. Kawawa naman siya. You know what’s a better punishment? No WiFi for this magnanakaw anymore so he can’t steal any of our mind blowing shizzz. That, or we take his eyes out so he won’t be a photographer anymore.

P.S.

Kung yung mga nagsusulat ng paulit-ulit na plot sa mga teledrama tulad ng mga nawawalang anak, ina, lola, aso at wallet; at ang walang kamatayang amnesia, bat di sila nakakasuhan? Kahit deception sa audience waley? Lawyers, ano? Meron ba?

P.P.S.

I don’t own the photos, mahirap na. 🙂 But all text are mine!

Advertisements