Nagpupuyos ang puso ko sa alab ng inis at asar sa tuwing makikita ko ang mukha ng mga taong paulit-ulit kong nakikita mukha sa feeds ko. Sa totoo lang, mas maraming beses ko pang nakikita ang mukha niyo kaysa sa mukha ng tatay ko na araw-araw ko namang nakikita sa bahay. Ganyan ka kadalas mag-selfie, ate, koya, kahit 3 years na kitang hindi nakikita sa personal.

Matagal kong pinigilan ang sarili kong gawin ito, pero nasa last straw na ata ako, hindi ko na kinakaya ‘to. Kaya kahit hindi naman ako binabayaran sa gawain kong ito, e uunahin ko na siya kaysa sa script ko at sa napipintong pagalit ng mga nasa itaas sa akin dahil kulang pa ang requirements ko.

Nakapagsulat na ko ng post dito kung saan yung mga selfies na may quote na wala namang kinalaman sa pagmumukha mo. Misleading! Anyway, here’s that post on Annoying Things People Do On The Intarnetz if you haven’t read it already.

Sa mga tatamaan, hindi naman kita pinilit na basahin ito. Bato-bato sa langit, tamaan sige, asarin niyo ko, selfie pa!

photo (2)

Selfie sa birthday party, super close up selfie, selfie with my NIPS polish, selfie while bored, selfie sa syots, selfieng GGSS, selfie sa motor habang umaandar, selfie looking fresh, selfie sa EK, with stuffed toy, sa swimming, sa binyag, selfie sa videoke, selfie habang wala pang susi sa office, selfie habang nagfe-facial, selfie pati sa EDSA!!! SELFIE PAAAA!

Selfie, ano nga ba ang selfie? Pucha, ‘pag ito kinailangan ko pang i-explain sa’yo e ewan ko na lang ha.

Eto ang sabi ni Pareng Wiki (oo, maniwala ka! May page ang selfie sa Wikipedia, puchat! Hahahaha):

selfie

Potaena, maglalaslas na ata ako, nauna pang magkaroon ng Wikipedia page ang selfie kaysa sakin.

Gandang-Ganda Sa Sarili Selfie

Hindi ako maglilinis-linisan at sasabihing hindi ako nag-se-selfie, because I do. Alam mo yun, may mga panahon talagang #GGSS o Gandang-Ganda ka Sa Sarili mo at kailangan mong ipangalandakan sa lahat ng tao ang minsan pa sa buwanang dalaw na kagandahang ito.

Halimbawa:

image_4

Yan! Gandang ganda ko sa lipstick ko nung araw na yan. Kaya pinost ko to. #GGSS

Selfie To The Nth Power

Pero naman, ang hindi ko maintindihan e kung bakit, bakit, bakit kailangan mong gawin ang selfie ng hindi bababa sa limang beses sa isang araw? Nagbabago ba ang mukha mo sa nakalipas na 10 minutong pagkuha mo ng selfie? Hindi naman diba? So bakit? Kailangan iba-ibang smile ganyan? magko-closeup commercial ka ba? Hinahanap mo anggulo mo? E wala nga tey! Tanggapin na lang natin! Wutang na loob!

Camera 360 Fails

image_6

Before and after of magic skin

Tapos eto pa, di syempre may Camera 360 ka sa phone diba, huwaw! Makagamit sa magic skin wagas! Okay na sana, ang kinis e, o. Pang-Pond’s beauty commercial, kayang-kayang labanan kakinisan ni Marian Rivera, kaso mo, sa personal, Jose Manalo pala mukha sa dami ng craters sa mukha. Wag ganun! Di mo kami maloloko sa photo editor mo. Gandang di mo inakala, magic skin version.

image_5

before and after of using sexy lips

Ang isa pang hindi ko maintindihan diyan sa creators ng camera 360 e no, ano yung effect na Sexy Lips? Ano? Ano ang kinaganda mo sa orange na lips at asul na mukha? Smurf ka ba? Ikinaganda mo ba yan? Blue baby ka ‘te? Sa creators ng camera 360, ano po ang point nito? Sa mga photographers, paki-explain po kung saan ito magagamit?

Pagod Ako I’m So Aagly + I’m Sick + Paggising Sa Umaga Selfie Combo

image_7

ngaragers selfie, kagigising ko lang selfie, I’m sick selfie

Meron pa. Yung mga selfie na walang makeup, at pagod na daw sila at ang angit daw nila dun: hitting two birds with one stone ‘to e. Alam mo yun, nakapag-selfie ka na, nakakuha ka pa ng simpatya sa mga tao. Siyempre, ko-comment-an ka nila dyan ng:

– Hindi ka naman mukhang pagod e. ganda mo nga kahit wala ka ng makeup. (Success sa pagkuha ng simpatya, napuri pa!)

– Pahinga ka naman girl pag may time, wag puro trabaho, baka magkasakit ka. (Uuy, concerned citizen of the world)

E pagod ka na pala te, nakuha mo pa mag-selfie? Ang pangit mo selfie pa? Ano gusto mo sabihin namin maganda ka pa rin? Di sana itinulog mo na lang yan, naging kaaya-aya pa sana ang mukha mo sa selfie mo the next day paggising mo kung saan lalagyan mo naman ng caption na: Good morning world! It’s a lovely day! hashtag selfie. Tung unu. Ano ang kina-lovely ng mukha mong kagigising lang? Hindi ka ba natatakot na hindi ka na makapag-asawa dahil sa nakita na nila ang mukha mo sa umaga?

The Social Climber Selfie

image

Or the selfie with Starbucks, selfie, with milk tea, selfie sa mirror hawak ang iPhone 5s o 5c o Samsung Note 3 para sikat kasi ikaw unang nagkaron. Di kaya yung selfie sa Boracay, selfie sa Divisoria bat wala? Ay meron yung mga It Girls na feeling down to earth kasi nag-Divisoria sila. Lol. O tapos? Ikinayaman mo yan. Nainggit kami. Kaso pagtingin namin sa mukha, ay, okay lang kahit naka-Nokia 6510 lang ako at hindi makapag-selfie. Hihihi. Kaw na!

Gym Selfie

*oh nose! Now you know I don’t go to the gym! Haha

Grabe I’m so pagod na from working out pakchak selfie! Kala ko pagod? Sige kuya, Flex ng muscles, inhale, constipated face, click! #gymselfie

‘To namang si Ate, um-outfit talaga para lang makapag-selfie sa gym! Aba! May makeup pa! Diba nahuhulas na makeup pag naggi-gym? O e bat may purple eye shadow ka pa?!

Finding Neverland Selfie

image_8

Sige te, selfie sa taas, selfie sa baba, selfie sa right, selfie sa left di pa rin makuha ang tamang anggulo ng mukha. Pakita ng cleavage na lang yan, para ma-draw attention sa ibaba, di sa mukha. Lololol.

“The Ring” Selfie

photo (1)

Can’t find a better “The Ring” selfie

Eto nakuha ko sa kuya ko, tawang-tawa ko. The Ring ang tawag niya sa mga selfie na makaikot ng mukha, ang galing, parang tumi-360 e! Lupeeet! Gawain to ng mga bagets naming pinsan na trip na trip niyang awayin kasi mukhang gago lang, plain and simple. Bakit kailangan mong lamukusin ang maayos mong mukha? Wacky shot ba dapat palagi? Bakit kailangan mag-duckface? Ikararami ba yan ng likes ng photo mo? Sino ang nakaimbento nito? Buhay pa ba?

Dual Selfie

image_2

Tung unu. Una sa lahat, kaya nga selfie, galing sa salitang self. Self, isa lang. So anong part niyan ang pwedeng i-dual selfie mo? Kung yang isine-selfie mo, nag-aral ka na lang, natuwa pa magulang mo sayo. Matatanggap ko pa siguro kung hashtag selfie squared e. Dual talaga? Ano to Cherry Mobile? Dual sim?

After Sex Selfie

*Syempre dahil matinong tao ako, wala ako nito. Hahahaha!

Nakakasuka po kayo. Tung unu niyo po. May seven year old pamangkin po akong nakikiusyoso sa bawat pag-scroll ko ng Facebook na nakikita ang mga katawan niyong halatang hubad sa ilalim ng nanlilimahid na kumot ninyo. Hindi na po kayo nahiya. Hindi naman ako nagmamalinis, at wala akong pakielam kung dormant o active ang sex life mo, pero ang i-post ang picture niyong mag-jowa pagkatapos niyo mag-sex? O sige, pagkatapos niyo mag-usap sa ilalim ng sheets? Ano? Ano ang pangangailangan nito? Nilubos mo na sana kuya, at ininstagram video mo na ng climax ng pagse-sex ninyo, nakakahiya naman e.

Social activist Selfie

photo 3

So siyempre may pinuntahang gathering na importante sa mga tao halimbawa #MillionPeopleMarch ganyan. Siyempre yung caption ng post niya mga tipong: Hayop ka Napoles, ibalik mo pera namin. Scrap Pork! No to Pork! Makibaka wag magbaboy! Tapos sa dulo nakalagay #selfie.

#OOTD

image_1

Guilty as charged! Wow! Artista? Kailangan pasalamatan lahat ng sponsors sa suot na damit? Hahaha! Okay, ewan ko sa iba ha. Ako kasi, lagi kong sinasabi na when you look good, you feel good. So kung feeling mo maganda ka, pumalakpak ka! Charot, i-ootd mo na yan! Katawa lang yung iba kala mo daming sponsors e. Detailed pa pagkakakuha ng mga relo, sapatos, hikaw, belt. Bakit? Binabayaran ka nila dyan?

Ewan ko sa inyo!

Harsh tags (Picture na may hashtags? O hashtags na may picture?)

Isasama ko na rin dito ha. Di ko talaga maintindihan e, bakit, bakit kailangan niyong abusuhin si Pound sign? Ikayayaman niya ba yan? Ikagaganda ba ng bansang Pilipinas ang paglalagay mo ng 20-30 hashtags sa picture ng pusa o ng mukha mo for example?

1255201_10201925513878875_1429742454_n

#instagood #instadaily #igmanila #igersmanila #instamood #yosi #catseyesunnies #whitetop #redlips #nose #eyes #ears #shorthair #leeg #paa #tuhod #balikat #ulo #maamthelma #otj #potd #ootd #lateupload #nosmile #filtered #like #tagsforlikes #selfie #yesmakeup #walaakongmagawa #adikako #dipabataposto #nauubusannakonghashtag #camera360 #happy #iglove #damingbagsalikodko #makalatkwartonaminnicat #dipakonaligoselfiena #instapotangenatigilanniyonakakahashtagniyosainsta #sorryfavoriteselfiekoto

Ayun. Kung nakakapagsalita lang ang pound sign na yan, siguro sasabihin niya, “Parang awa niyo na, gamit na gamit na ko, pagod na pagod na ko” with matching walling tapos titingin siya sa langit, kukulog, kikidlat, unti unting papatak ang ulan at sisigaw siya ng: “Isinusumpa ko! Gaganti ako!”

Basahin niyo lahat ng may “#” ko ha. Maganda promise. Ano peborits mo?

Ang nakakatawa diyan, wagas sa paggamit ng hashtag, e naka-private profile naman. Ansaveeeeh. Dapat talaga e may limit ang paggamit ng hashtags. Mga 5 lang per picture. Di kaya kayo na mismo maglagay ng limit niyo nak ng teteng. Halimbawa, 3-5 hashtags lang.

Alam niyo, gusot ko na magpa-crash course sa tamang paggamit ng hashtags e, parang SEO lang yan e. Bayaran niyo muna ko. Hahaha

Eto para alam mo ang tamang paggamit ng hashtag:

http://blog.instagram.com/post/17674993957/instagram-tips-using-hashtags

Iba na talaga levels ng vanity natin ngayon diba. Kaya minsan nakakairita din mag-internet e, imbis na matuwa ka, init ulo pa e. Haha!

Actually, isa lang rin naman sa ikinaiinis ko kasi ung pamangkin ko tinatanong “sino yan, sino yan, sino yan, sino yan, sino yan, Titaaaaaa? Sino yan?!” So lahat talaga kayo minsan parang obligasyon kong ipakilala sa kanya. E kung sabihin ko kaya no tipong:

“Ah. Yan yung classmate kong umihi sa salawal nung grade five. Tas yan naman, yan ung pinaghihinalaang nagnakaw nung high school kami. OMG! Yan yung pinatayo sa gitna ng field dati nakakahiya. Ah yan? Yan yung muse namin dati” tapos no sabihin ng pamangkin ko, bat di siya maganda? Boom!

O ano? Nagsawa ka na ba sa mukha ko? So alam mo na ang feeling ng nabo-bombard ng mukha mo ang feeds namin!? Di masaya di ba?  Actually, this is just but an excuse for me to post my selfies. Charots. Point is, okay lang naman mag-selfie, pero hindi naman dapat i-post lahat! See, I have almost all of these annoying selfies, but I don’t post all of them! Hindi yan ikatataas ng net worth mo, tigilan mo na, utang na loob.

Maawa ka.

Advertisements