Ang sabi nila, kapag galit ka, ‘wag kang gagawa ng rash decision. ‘Wag mong itu-tweet, ‘wag mo i-status, ‘wag mo i-message. Huwag na huwag mong tawagan.

Kalma lang.

Kalma lang.

Kalma lang.

Kailangan mong mag-breathing exercises, mag-divert ng attention, manood ng 2 Broke Girls, o The Walking Dead kaya. Ngayon kung after a few hours ganun pa rin ang nararamdaman mo at naiisip mong dapat gawin simula kaninang umaga na naramdaman mo ang nagpupuyos na inis, galit at kung ano pa man yan, ay baka yun na nga ang kasagutan. Baka naman hindi yun rash decision. Baka yun ang tamang decision. Baka for once nagkaron ka na ng clarity. Baka naman matagal mo nang alam na yun ang tama mong gawin, dine-delay mo lang. Baka naman kunwari gusto mo lang magpaka-rational at ‘wag magpakababaw pero dun at dun ka rin naman bumabagsak. Baka naman puro ka chances e leche wala namang nangyayari.

Kanina pa ko nagbi-breathing exercises. Kanina pa rin nagdidilim ang paningin ko. Well no, actually mga ilang araw na. Enough na ba yung breathe in, breathe out?

Okay. I’m going to sleep on it. Kapag wala pa rin, all hell breaks loose. 

Advertisements