IMG_1101

Bago ang kasamaan. Isang kuha ng paraiso muna.

The meanie strikes again!

Kung hindi tayo FB, Twitter at IG friends at stalker kita (charot) o di naman kaya ay naligaw ka lang dito, ang post na ito ay isang obserbasyon lang naman hane. Naisip ko lang ito bigla kasi yung isang masamang pintaserang kasama kong nagbakasyon sa beach ay paulit-ulit ang sinasabi  sa ‘kin na “parang si _____.” sabay tawa ng maalala niya yung photos na ini-stalk niya sa Facebook. Kebuti talaga! Hahahaha! I swear, Facebook is only making mean people, meaner.

Syempre mas mabuti ako dahil ang sabi ko naman ay ang pangit kasi ng kutis niya ate. Baka ako ubusin ko ang pera ko para mapaganda ang kutis ko. Kung friend ko siya, natulungan ko na siya sa problema niya. Para siyang hindi naliligo, kahit naliligo naman siya araw-araw. Parang, ang baho. Okay, enough with the mean stuff only friends of mine can fully understand.

Lagi rin naman naming napag-uusapan ito ng kapatid ko, kapag nasa pool o beach kami at tinitingnan na kami ng mga tao na tipong sinasabing “Bakit sila naka-two piece?” at ang sasabihin naman namin ay: “Teka, mali ba ang suot natin? Hindi ba dapat kami ang tumingin ng ganyan sa’yo dahil naka-maong shorts, t-shirt at halatang-halata ang bra mo sa loob habang nasa pool ka?!” Ansabehhh?! May lakas ng loob pang mag-OOTD sa ganyang ayos talaga?

Okay, naiintindihan ko naman, baka nga hindi ka katulad namin na pinalaking maaarte at confident ng nanay kong nakikipagsabayan sa amin. At ng tatay kong supportive sa lahat ng kaartehan namin at ang motto for us ay: Bakit, di naman pangit mga balat niyo, hindi nga yan pinadapuan ng mama niyo ng lamok, bakit ka mahihiya?

Case in point is this photo:

DSCF5072

Hiyang-hiya ako sa nanay ko. Di papatalo. Lol

Hindi ba mabigat ang mag-swim ng naka-t-shirt? Ang bigaaat kaya niyan! E ang bigat mo pa diba?! Charooot! I mean, if you can’t wear swimsuits, meron namang suit na long sleeves diba? What do you call that? Scuba suit ba yun? GMG. At ang dami-daming cuts and styles ngayon that will best fit your body type. We’ll take forever kapag inisa-isa pa natin yan. At least don’t wear maong shorts, que horror, board shorts na lang please! Or that freakishly annoying printed Divisoria sando or shirt! Ene be?! Very kaluluwas lang ang peg. Ang jologs talaga. And don’t get me started on men wearing shirt while they swim! Bakit? E kapag nag-iinuman kayo ng friends mo, half-naked ka naman diba? Anong point? Shet ang judgmental ko sareee. At nakakasira ng damit ang saltwater at chlorine! Kaya iba ang tela ng swimsuits at mas mahal kahit kakarampot lang!

So when we went to Boracay, I was really happy because I know I wouldn’t get the “bakit ka naka-swimsuit?” stare because everyone are in their bathing suits! Even men with their big beer bellies are wearing skimpy swimsuits as if they have the abs Marc Nelson has.

Heck, anyone can practically walk in their two piece from Station 1 to Station 3 if you’d want to. Even I did that! I hate wet clothes. Hoho

So on the third day, when I was alone, I saw this mom with her kid swimming as well, wearing shirts and shorts on Boracay. Harujusko, gust kong hubaran ng shorts at red t shirt si Ate! Di ko kinakaya na hindi niya ineenjoy ang paraiso. Sa ganong suot! At di ko maisip kung gaano karaming buhangin ang unknowingly ay iuuwi niya pag nagkataon. Eyesore!

Makalipas ang ilang minuto, yung katabi kong naka-sleeveless, tumayo, QUE HORROR! Si Ateng, naka-daster pala! Daster? Daster talaga?! Wala sa loob na naitaas ko pa ang sunglasses ko just to check kung tama ba ang nakikita ko. Baket? Baket? Baket? Nag-maxi skirt ka na lang sana! NKKLK kaaa!

Ayun. Nasira ang ilusyon kong ang walang jologs na tao sa lugar na ito, na lahat ng tao ay alam ang proper attire sa swimming pool, na hindi ka dapat mahiya lalo sa locals dahil araw-araw silang nakakakita ng mga hubad na katawan ng mga babae, at lalake.

Seryoso.

And don’t go “Kasi naman hindi kami sing-payat mo.” o “Hindi kami pinalaking may ganyang klaseng kaartehan at confidence ng nanay at tatay ko. Pinakagat nila ko sa lamok!” on me ha.

Eto example o.

Look at this lovely ladies who are on the sexier side of the fence:

IMG_2015

Like, kebs naman nila sa inyo diba? Swimming nga e! Effort pa yang mga yan kasi pahirapan din kami ng paghahanap ng swimsuit na kasya sa kanilang mga uhhhm! Hahahaha! Peace Banana, Chissa! 😛

IMG_5896

And in this photo, if you’d look closely at the people behind me, di ba they’re on the hebigats side din naman? At naka-two piece rin si madame! It’s all about the confidence!

They are living, walking proofs that you don’t need to have a VS model body or to be skinny to be confident in yer own skin. It’s all in the mind, dear. Partida, nasa pool pa lang sila niyan. Wala pa kami sa beach. Hahaha!

So please, do yourself a favor, subukan mo lang naman. Masarap lumangoy na magaan ang suot. Masarap umuwi na magaan ang bitbitin. Mas maayos ang picture kung angkop sa lugar ang damit, mas maganda ang tan lines mo ng naka-swimsuit (hot ang effect) at mas mag-eenjoy ka overall. Promise.

Wala, ramblings lang talaga. Sinayang ko lang time mo early summer blog post. Hohoho. 😛

Advertisements