20131231-224952.jpg

It’s almost New Year in the Philippines! Base on my timeline at sa kaa-update ng kaibigan kong si George, 2014 na raw sa New Zealand, Australia at ilang katabing bansa. Malapit na rin dito samin!

Habang tinatype ko ‘to, ang sabi ng relo sa laptop ko ay 9:51pm. Last post ko na talaga ito ngayong taon. I’m so proud of myself at natupad ko ang pangako ko na tatlong post pa bago magpalit ng taon, actually, hindi lang tatlo dahil may dalawa pa kong bonus post nung isang madaling-araw na nagtatae ang utak ko. Apir! 🙂

Sa darating na taon sa loob ng 2 oras at 7 minuto, may mga ilang bagay akong gustong ma-achieve. Hindi naman ito New Year’s resolution, because we all know how that will end by February or March. Haha!

Una, gusto ko na matutunan manahi talaga. Manang lang. Charrr. Sobrang maarte ako at gusot ko perfect fit ang mga damit ko. Mayroon din akong pangarap na makapagtahi ng damit ko, at dahil may pagkakuripot ako pagdating sa ganyan, gusto ko ako na gumawa, DIY kumbaga. So sana lang talaga, yung manual ng electric portable sewing machine ko matutunan ko na. Or magkainteres ako basahin man lang. Hahaha!

Pangalawa, mas ma-update ang site na ito. Bet mo yun? Hahaha!

Pangatlo, makapag-travel pa! Cat and I are going to Thailand in March and we’re planning to go to Palawan by May, her birth month. I still don’t know what will I do on my birth month, maybe I’ll ask her to go with me to Cebu or Bohol or tuhog na Cebu-Bohol trip! Haha! Basta more travel, more ipon, more work, more funnnn! Or sabi nga ni Joey de Leon. TITE = Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy! O, ang pag-iisip! Haha

Panga-apat, become a lesser bitch than I already am. I am so proud of myself because  I am starting to filter my thoughts before they come out of my mouth and my fingertips! So yay me!

Panlima, finish the book I am trying to write. I’m almost done with Chapter 2. And I am feeling good about it. Don’t ask me what it is about because I’m not telling a soul. 🙂

Last na to, kasi baka di ko matupad pag marami, hahaha! Less gastos. More investments and ayusin ang PhilHealth, SSS, Pag-Ibig (literal at ung sa gobyerno chos) at ano pa bang shit na adult stuvvs? 🙂

Tama na. Maingay na sa labas, mukha na kong nerd na type pa ng type dito. Hahaha!

From herbigfatmouth.wordpress.com at sa iilan kong matatalino, magaganda, pogi, sarcastic, bitch at gagong readers (like me!) HAPPY NEW YEAR! HAVE A BLAST! ;))))

Season break na muna!

Advertisements