1601049_10202802631646271_276737257_n

Una: Alam kong sinabi kong hindi ako magba-blog until the 31st, but then I got a hold of Noreen Capili’s best-selling book, “Parang Kayo, Pero Hindi” and my unlucky friends who weren’t able to get a copy (I got the last one over at National Bookstore SM Manila!) asked me to make a review instead. So kinakain ko na yung sinabi ko.

Now, you know how I hate making reviews, well, formal reviews. Feeling ko kasi bumabalik ako sa mga panahong nag-aaral pa ko and there’s this one time when I lost my flash drive containing all my movie, book and TV reviews and I had no backup so I had to write everything from scratch in one night kasi kinabukasan na yung pasahan and it’s just freakin’ horrendous and I hated myself and now that is so out of topic.

Here’s the review, btw.

photo 3

Kunwari lang. Isang hindi totoong review.

Una kong nalaman ang existence ng librong ito nung pinost sa Instagram ni Marco ung isa sa mga thought bubble sa libro. Naisip ko agad, ui, ayos tong librong to. At least may nangahas na magsulat sa topic na ayaw isulat ni Bob Ong. So niresearch ko yung libro tapos nung nakaraang Sabado nga na wala kaming magawa ni Cat at nagpunta sa SM ay napabili ako nung libro.

Nung binabasa ko na, sabi ko parang pamilyar ‘tong librong ‘to, parang hindi. Nabasa ko na tong parteng ‘to dati. And true enough, nabasa ko na nga sa dating Peyups.com. Yung site na kung saan andun ung mga magagaling magsulat sa UP tas ang aastig ng mga articles ng mga tao. Sayang lang, wala na yung site na yun ngayon. Di na na-meynteyn.

Naalala ko, pinrint ko ung article na yun (Parang Kayo, Pero Hindi) tapos pinabasa ko sa kaibigan kong si She Ann nung fourth year high school kami. Di pa kasi uso nun ang “send mo nga link sakin.” Tapos nagulat ako kasi bigla siyang umiyak in the middle of reading the article, kasi tinamaan yata siya dahil nasa ganung stage siya nung time na yun. Sikret na lang sa kung sinong lalaki. Parang gusto kong sabihin sino, pero hindi na lang.

photo 4

Tapos ung Mall of Asia, isa sa mga article dun, ang paborito ko yatang isinulat niya sa column niya dati sa Peyups.com. Marami silang kolumnista nun e, pero hindi siya ang paborito ko. Ang naaalala ko na lang, yung sumulat ng “Isaw” story ang paborito ko na sa tuwing kakain ako sa isawan ni Mang Larry ay naaalala ko yun. Bukod sa Mall of Asia, nabasa ko na rin somewhere ung Candy Crush life lessons post, at ilan pa ring mga naisulat niya na.

photo 1

Bakit ko sinasabi ito na nabasa ko na dati? Wala lang. Nanghihinayang ako sa libro. Ang laki kasi ng potential e. Title pa lang. Sino bang hindi nagkaroon ng “parang kayo, pero hindi” experience?

Minsan ako yung nagtatanong ng “e mag-ano ba kasi tayo?” sa isip ko, di ko pa naman na-out loud; minsan naman baliktad, ako yung nasa “masaya naman tayo di ba? bakit kailangan pa nating gawing kumplikado to at lagyan ng label?” tapos nagalit ata siya sakin.

Aminin. Kaya ito naging bestseller at nakatatlong printing na ay dahil na rin dito sa premise na to. Nakaka-relate kasi si Aling Barang at Donya Victorina, mula elementary hanggang high school. May asawa o wala, may the one that got away o sila ung the one that got away.

Sadly, kaya rin ako medyo na-disappoint kasi hindi nito na-sustain na maging buong “parang kayo, pero hindi” ang nilalaman ng libro. Sana nadagdagan ng “at iba pang kwento tungkol sa buhay pag-ibig at buhay writer at artista gossip” para na-prepare ko ung expectations ko. Ewan, o, ako lang siguro yung hindi ganun kainteresado how the entertainment industry works?

Akala ko kasi puro tungkol sa secret lovers, unrequited love, MU at parang kayo pero hindi stories from different points of view or ibang levels ang mababasa ko. Ayos sana. Parang ganun, pero hindi.

Yung mga latter chapters parang inilagay na lang para humaba. Sure, may mapupulot ka pa rin namang bits and pieces here and there, pero wala na sa kontekstong ipinangako ng titulo ng libro. Parang sinalsal na lang para umabot sa desired number of pages ni publisher. Parang kumbaga sa sayaw, andun ung momentum sa itaas, tapos unti-unting bumagsak paibaba at napagod yung dancer. Sayang

Nakakatuwa naman yung libro kung wala ka pang nababasa sa kahit anong isinulat niya. Marami kang mapupulot at “shet, oo nga tama siya” moments, at okay rin pagchismisan niyang friends, pero ewan. Sa presyong P175, okay na rin naman. Pero sana talaga… ako lang ba nakaramdam nito? Sumagot nga sa ibaba yung nakabasa na.

photo 2

Natatamaran lang ako, sa totoo lang, sa mga writers na nasa blog/internet na, isasalibro pa. Pakiramdam ko hindi lang basta ako naloko, nagsayang pa ng puno para sa libro na pwede ko namang mabasa online. Hindi naman lahat ha, yung iba lang. Parang tulad ng libro ni Monra, nasa internet na, isinalibro pa? Ano ang point?

Hindi ko alam kung ilan sa mga essays sa libro ang nasa internet na dati pa. Pero eto yung link ng site niya, di ko pa na-backread lahat: noringai.blogspot.com

O baka naman dahil ang ganda kasi ng Fault In Our Stars ni John Green, tapos ang ganda rin ng script ng Breaking Bad at My Sister’s Keeper, kaya nung bumaba yung level ng ganda ng libro, na-disappoint ako?

Ah. Oo nga pala, magiging pelikula na rin daw ito. Di ko lang alam pano gagawin, o baka kukuhanin lang din ung title ng libro tapos biglang iba na ung premise ng istorya. Parang yung katulad nung era na puros title ng kanta yung pamagat ng pelikula, nampota, ang tatamad mag-isip. Instant theme song, instant title. Buti pa yung mga “Patikim ng Pinya” at least pinag-isipan kahit ang stupid at tacky, di ba?

Pero wag kang ma-discourage sa review ko. Basahin mo yung libro. Ayos naman siya e. Nung nabasa ko nga, na-inspire ako. Naisip kong, pwede na rin ako magsulat! Matutupad ko na ang pangarap ni Kathleen! Lol

1526230_10202807752374286_840107112_n

Magpapa-survey lang ako kung ano ung mga gusto ng 5 readers ko na mabasa sa papel tapos iko-compile ko lang yung mga blogs ko by category tapos iisip ako ng catchy title, tapos hihikayatin ko si Anvil na i-publish ako, and voila! libro na! Joke lang. Peace, Noringai. Ayos ka pong writer. Wala pa kong napapatunayan kumpara sa’yong best selling libro at winnnur telenovelas na wala pa kong napapanood kahit isa. 🙂

Sana yung Anvil mag-publish rin ng the best of Peyups.com. The best ang mga love articles dun. Kung nandun pa yun, tambay pa rin siguro ako. Kaso wala na.

Sa huli, eto lang gusto kong sabihin tungkol sa libro, “Parang okay, pero hindi.”

photo 5

Advertisements