“Mina, ano mo yung Cat Mones?” – tanong ng mga acquaintance.

“Ate Mina, may kilala kang Cat Mones?” – tanong ng mga di ko friends o juniors.

“Mina, sikat na si Cat!” – sabi ng mga friends at feeling nila friends ko sila.

Sa nakalipas na 48 hours, kung hindi ka nagtatago sa lungga at fina-follow ang isang nagmamagaling at nagmamarunong na admin ng FB page na “Tangina This!” (gusto ko sanang sabihing tang-ina niya, kaso sa ginawa niya, alam niya na naman siguro na tanga siya diba?”) alam mo na na naging viral ang isang simpleng sagot lang naman ni Cat sa may sense pero medyo nakakabwiset na open letter ni Lourd kay Bossing. Normal niya na gawain yun. Wag kayo ma-amaze.

Ayoko na sana pumatol. Pero dahil naiirita na rin ako sa mga paulit-ulit na tanong sa’kin sa Facebook, Twitter, text at personal, at ayoko na sumagot ng sumagot sa mga paulit-ulit na tanong, heto na lang, mas madali, isang bagsakang FAQs ng mga tao kay Cat Mones, si Ateng Skimpy Outfit ng catmones.blogspot.com.

May basbas niya ang post na ito.

Me: Bakla, naiirita na ko. Isa pang tanong kung kaanu-ano kita, gagawa ko ng FAKYUs post!

Cat: Okay!

Game! Kunwari sisikat na siya forever tulad ng idol niyang si Marian Rivera at hindi tayo mga utak goldfish na makakalimutan ang lahat ng ito in a day or two lalo na’t nagpakamatay pala si Charice. Sayang lang, fail daw. Twice! Sinong nagpapakamatay ang nagfe-fail twice!

Going back…

1. Ano mo si Cat?

– Nauubusan na ko ng sagot dito. Mula sa kapitbahay, roommate, girlfriend, kaaway. Oo, kapatid ko siya. Okay. Kung hindi pa enough evidence ito, aba’y ewan ko na lang.

photo 2 (1)

Ngayon, kapag nalaman nilang kapatid ko siya, eto na ang next na tanong sa akin:

2. Pwede pa-fan sign? Pwede pa-picture?

– Wow! Artista? Teka. Magkanooo?

3. Mina, kelan ko pwede ma-meet si Cat?

– Magkanooo? Eto screen grab sa ibaba, maging creative. Baka sakali, umoo pa ko.

photo 1 (1)

4. Kumusta naman si Cat?

– Okay naman siya. Thank you sa pag-aalala. Nung una gusto niyang patulan lahat ng hate comments, kaso nung dumami yung mga nagbabatuhan ng tae, naisip namin na manood na lang sa sirko niyo. Ang una niyang sinabi sakin nung nagkakagulo na kayo ay: “Bakla, sikat na ‘ko!” tapos yun, habang nagtatawanan kami ng evil laugh, nagsopas kami tapos nagkwento siya kila mama.

Tapos si Adelbert, yung bunso naming kapatid, siya yung galit na galit. Nagpupuyos ang damdamin ng baby boy. Parang gustong i-apply lahat ng natutunan niya sa jiu jitsu sa nang-aaway sa ate niya, una sa pila si Tangina This! admin, parang isi-Silva niya yata.

P.S. Admin ng Tangina This! na nag-post sa page ng link. Bastos ka. Tinag kita sa post ko tapos di ka marunong sumagot. Have you got no balls? Malamang. E ni hindi nga namin alam pangalan mo tapos kung makapag-stupid ka sa kapatid ko, kegaling-galing mo. O ano ka ngayon? Cat has nothing to lose, she’s a nobody, and your idol, di pa rin naman ganun ka-somebody. Papunta na run, btw.

P.P.S. Kuyang nagsabi sa page ng Tangina This! na baka naglason na sa kahihiyan ang kapatid ko: nung binasa ko yung comment mo, nanonood siya ng HIMYM tapos tawa siya ng tawa yung malakas, akala ko nga magpapakamatay na siya. Naorkot ang fez ko.

5. Anong sabi ni Tita Eva? 

– Walang sinabi si madame Evangeline. Di siya masyadong techie kaya di rin siya masyadong galit. Ang last niyang tanong kaninang umaga ay: “Natalo na ba sila?” to which I retorted with: “Ma, wala pong laban.” Yung way pa ng pagkakasabi niya ay animo isa siyang panginoong maylupa na tinatanong ang isang manlulupa (me) niya kung napalayas na ba ang iskwater sa lupain niya. 😛

6. Popular messages sa FB niya ngayon: Can we meet? San ka nagtatrabaho? Baka masalubong kita. Can we meet over coffee to discuss this?

– Ayy, hindi po pupuwede. Ano ito, interview? For security purposes, hindi po pwede ang alaga ko. (Wow, manager! Chos.) Pero eto sakin lang no, galing galingan niyo mag-stalk, masasagot lahat ng tanong niyo. Yung isang tanong kanina, pag-Google ko, voila! Lumabas, GMG friends. Google is your friend.

8. At ang pinakanakakatawang tanong na natanggap ko ay: Ate mo ba siya? Anong nangyari sa ate mo?

Ui. Salamat naman. Hahaha! At laging puro tawa na lang ang naisasagot ko. Ano sa tingin mo?

Nakakatawa yung mga ibang tanong niyo sa totoo lang, lalo na yung mga pang-beauconera levels. Ansavehhh?! Wala siyang balak mag-beauty queen.

Kung may iba pa kayong gustong malaman, icomment sa ibaba. Wow, artista lungs.

Wala kang nakuha? O eto, para sa mga biglang nagka-crush at naging stalker niya, freebie to. Buti, pinasagot ko siya sa slam book ko:

photo (1)

Update: Ayoko maging assuming pero nakita mo na ba ang latest tweet ni @lourddv kaninang umaga? Wala lungs.

At dahil naipost ko na to, yung susunod na magtatanong sakin, bubuntalin ko ng mga 127,000 times, singdami ng hits ng post ni Cat nung huli kong bisita.

Ngayon kung wala ka pa ring alam. Ayoko na magkwento, utang-uta na ko. Di ko kasalanan kung naka-color bars ka nung time na nangyayari ang lahat ng ito. Pero sige, para sa ikatatahimik ng tsismosang kaluluwa mo. Eto ang mga importanteng links na dapat tandaan:

Lourd’s Open Letter: http://www.spot.ph/this-is-a-crazy-planets/55300/an-open-letter-to-vic-sotto

Cat’s reply: http://catmones.blogspot.com/2014/01/my-two-cents-on-lourd-de-veyras-open.html

Tangina This! FB page post on Jan. 6: https://www.facebook.com/TANGINATHIS

P.S.

Ang lahat ng nakasulat dito ay joke time lang, wag niyo seryosohin. Filler blog. Lol

Advertisements