It’s all over my news feed. Kung naumay kayo sa Vhong-Deniece issue, ako after mamatay nung issue, naumay naman sa mga movie reviews at quotable quotes ng mga tao sa pelikulang pinagsamahan ni Papa P at Toni Gonzaga. So I decided na punyeta, sige panunuorin ko nga to ng mahusgahan na.

1653862_214576005416256_186991436_n

me: Chissa, pahiram ng picture mo ng ticket ng Starting Over Again kasi di mo binigya sakin yung ticket mo. 

Chissa: (technically ako pa rin) sige lang, go.

Translation: Photo not mine

Medyo ilang araw na pilitan pa naganap kasi ayaw nilang panoorin yung palabas. Cheesy daw. Anyway, napilit ko rin naman si Chissa. The movie’s okay. Yun lang. End. Char. Haha. Sige, kung gusto mo ng kung pano ko iknwento kahapon, ikukwento ko kung ano yung sinasabi ng utak ko habang nanonood kami, so chronological ‘to ha. So kung di mo pa napapanood, please lang, wag mo basahin kung ayaw mo ng spoilers.

The movie started with Piolo’s narration “I have a confession to make…” and I’m like “Okay, there goes my book’s first line. Note to self: Revise.” Pfft.

Tapos yung wig ni Toni nakakairita. Halatang-halata na wig, well, lahat naman ng pelikulang Pinoy halatang naka-wig ang character. Juskoday. Obvious rin tuloy na flashback yung eksenang yun. Pero yun nga, ang galing nung pagkakapasok ng “I love you Sir Marco!!!” sa school premises ni Toni. How very reminiscent ng Sprite commercial nila ni Piolo rin some umpteen years ago, right? Inisip ko lang kung magkano binayad sa Sprite o nagbayad ang Sprite for that? Oh well. Syempre yung mga bagets na sumasamba kay Justin Bieber hindi alam yun. Tangina lungs, ang tanda ko na. Hahaha!

Okay naman yung pelikula. Ang pogi ni Papa P, gusto kong kalimutan ang mga ibinabatong issue sa kanya at totoo siyang inlababo kay Ateng Toni. Si Toni magaling naman sa mga romantic chick flick as always. Her legs are to die for, hindi natatapos. Nakakainis! Plus her wardrobe, tumetake down notes tuloy yung utak ko. Haha! Yung abs ni Piolo sa ulan scene, lurks rin, parang waaaah! Centrum commercial ba to? Si Toni lang bat ganun sya umarte pag nagsasalita no? May sarili siyang punto? Na ewan, napansin niyo rin ba? Napansin ko sa Amnesia Girl and this one e, it’s getting annoying na parang fomula na niya yata? Wala bang iba? Piolo is, well, Piolo naman talaga. Lurve him in this movie.

Pero eto talaga yung maraming beses na tumakbo sa isip ko: katay-able. Katay-able. Katay-able. Katay-able.

Sa media, ibig sabihin nun, pwedeng katayin yung eksenang yun, pwedeng hindi na iere, ganun. At ang dami dami daming ganung eksena sa palabas. Yung eksena ng inuman nila ng friend niyang si Wella, yung homecoming, yung he said, she said part na pwede namang inisa na lang na bagsak. Para tuloy may repeat video hahaha, yung ang dami-damiiiing confrontation scenes, mga lima yata. Naumay na ko. Sa totoong buhay, ayaw naman talaga ng mga tao ng confrontation e, bat ang dami dami dami dito? Pero ang haba talaga. Wala man lang revision na yung mga ibang eksena pwede namang ikabit sa ibang eksena. #feelingwriter #editsup #direktor

Imagine, si Piolo at Toni may confrontation na nakulong pa sila sa freezer, may confrontation na nauwi sa angry sexing, may confrontation sa homecoming, sa ospital. Sila pa lang ang dami dami na ang ending lang naman nagso-sorry sila sa isa’t isa! Kami nga ng kapatid ko never pa nag-sorry-han. Basta bati na lang kami ulit. Nandyan pa syempre yung eksena ni Iza at Toni na, tangina naman, ang damiiiing sinabi rin! Sana man lang may major confrontation scene na isang bagsakan na paiiyakin ka na parang “Tangina naman Bash ganyan ka ba katigas” o “Sana ako na lang, ako na lang uli” catch phrase na talagang magiging meme in the future. Ewan ko. Baka ako lang yun. O baka dahil ang haba haba haba nung movie (2 hours) e ihing-ihi na ko at nasa gitna kami nakaupo at ang dami kong maiistorbo kapag umalis ako. Hahaha!

Speaking of One More Chance, napansin niyo rin bang parang kabaligtaran ng One More Chance ang movie na ito? Feeling ko nga they’re mocking it, but Chissa said baka naman they’re trying to make a new “One More Chance” quality movie but failed. Kasi yung mga dialogue ni Piolo lang sa dulo, how very Popoy and Basha rin sa ending e. Yung “you had me at my best, she had me at my worst” ay parang kabaligtaran lang rin. Kasi Toni had him at his worst (the reason why they broke up) and Iza had him at his best. Ang sabi ko nga, parang Popoy-Basha minus the whole getting back together ang movie na ito. May renovation/architect chorva rin silang ingredient diba?

Ang daming dialogue dito na pwede namang wala na na feeling ko yung writer natakot na hindi na niya maisip ulit yun sa next movie niya kaya isinaksak niya na lahat dito. Ayun, ending yung parang pakonti-konting bigay ng info na yung emosyon ng mga tao napipigilan, pating-tingi rin. Kaya hindi siya naging cryfest. Nasayang rin yung ibang characters, like Edgar Allan Guzman and Yayo Aguila for example. Parang naging palamuti na lang e.

For what it’s worth, at least Star Cinema tried to break the norm of happily ever afters sa pelikula. Feeling ko lang talaga binigo nila ang masang Pilipino na hindi pa nakakanood ng sappy ending ng movie. Hahaha! Oh well.

Closure. Lahat tayo kailangan nun. Iba-ibang ending lang pagkatapos mong makuha yun. Pwedeng hindi kayo maging friends, or maging friends kayo, or… basta bahala na kayo. Hindi naman kayo si Ginny at Marco e.

Basta ang haba, muntik ako magkasakit sa kidney sa palabas na ‘to. Singhaba rin ng review na ‘to. Haha.

P.S. Sana totoo yung letter later no?

Advertisements