No further introductions but “bato bato sa langit, tamaan, wag magagalit”

THE SPOILER. Ewan ko sa mga taong ‘to kung anong klaseng fulfillment ang nakukuha nila sa pag-spoil ng ending o ng plot ng mga hyped up na pelikula ngayon. Case in point: Spiderman 2. O e di kayo na ang may pera at time sa unang screening. Siguro hindi kayo mahal ng mga magulang niyo no kaya kayo nagpapapansin? O di kaya never kayong nakakuha ng recognition o achievement o pat on the back man lang nung nag-aaral pa kayo kaya ang tingin ninyo kapag nauna kayong nakanood ng pelikula, ahead kayo sa bandwagon at maybe, just maybe, ikatuwa ng mga kaibigan niyo na nag-share kayo. Isang malaking HINDE! Hindi ba kayo naturuan ng tamang asal sa panonood ng pelikula? Hindi po ito free TV na lahat tayo makakanood at live tweet ng sabay-sabay sa palabas.

Wala kayong ipinagkaiba sa mga nagkokomento sa mga page ng mga sikat na artista ng “first to comment!” sa bawat post nila: WALANG KWENTA. Anong achievement ang nakuha ninyo? Gusto mo bang i-congratulate ka namin? Isang salita lang: Respeto.

THE ANTI-SPOILER. Ito naman yung mga galit na galit sa mga friends nila na nagpopost ng spoilers ng mga pelikula kung hindi lang siguro virtual ito ang daming sapakan ang naganap. Feeling ko nga maraming friendships ang nag-over. Isang advice: mag-log out ka muna sa Facebook. Wala itong ipinagkaiba kapag nanonood tayo ng Pacquiao fight at may mga epal na nagmamagaling na naka-real time tapos akala nila sila lang ang anak ng Diyos at kawawa tayong lahat na nag-aabang na matapos ang sandamakmak na commercials. Yun lang po mga kaibigan ang sagot dyan. Maano ba namang mag-log out ka ng ilang araw o hanggang sa magkaroon ka ng pera o panahon para manood ng Spiderman? O kung di mo talaga ma-take, pag may nahagip na yung mata mo na SPOILER ALERT o Gwen Stacey o #Spiderman e i-scroll down mo na, lagpasan mo na. Ganyan talaga mga kapatid, kailangan nating intindihin na may mga taong walang common sense na hindi naturuan ng tamang etiquette nung mga bata pa sila. At kailangan naman naming intindihin na may mga taong super big deal ang mga ganitong bagay sa kanila. Sigh.

THE ANTI-SPOILER-UNFRIEND-UNFOLLOW-THREATHENER. Sila yung mas intense na bersyon nung nasa itaas. Bukod sa nagpost sila sa asar nila sa mga taong nag-spoil, e nangte-threaten pa na mag-a-unfriend sila ng susunod na mag-post ng spoiler sa feeds nila. Hangtapang! Na-tempt nga ko nung isang araw na komentan ng ending ng pelikula yung isang nagpost nung isang araw, para alng malaman ko ilang tao ang mag-a-unfriend sakin, mabawasan ako ng trabaho, kaya lang wala ko sa mood. Anyway, nakakainis yung mga ganitong klaseng tao, pano ba naman kasi, mananakot ka pa, bat di mo na lang gawin? I dare you. Feeling mo naman pag nanakot ka ng ganyan e hihinto talaga ang spoilers from posting the ending/climax of the movie? Takot na takot kami. Ayaw naming mawala ka sa friends’ list namin. Hindi na po kami uulit. Ganyan ba ang gusto ninyong maging reaksyon namin?

Ang lalaki ng mga problem niyo te. Yung spoiler feeling niya naka-first honor siya kasi nauna siya manood. Nakakatawa.

Si Anti-spoiler at anti-spoiler-unfriend-unfollow-threathener naman akala mo ang lalaki ng mga nawala sa kanila. Ano kalahati ng buhay niyo ang na-miss ninyo? Pelikula lang yan. Hindi rin naman ganon kagandahan para magsisintir kayo ng bonggang bongga. Mas magaganda pa yung mga Youtube videos ng guestings ni Emma Stone at Andrew Garfield, lalo yung kay Kris. Tung unung yan. Hahaha. Tsaka yung SNL kiss tsaka yung videoke keme.

On the brighter side, isipin niyo na lang, after two weeks, paglabas ng Maleficent, o di kaya sa June, paglabas ng Fault in our Stars tapos di niyo pa nababasa yung libro, maiinis na naman rin kayo kapag sinabi nilang may namatay na naman. Ooops!

So same shit, different day lang tayo no? Anong ipinaglalaban natin? Anong ipinaglalaban ko? Wala, walang kwenta. Di natin ikayayaman lahat to. Manahimik na tayong lahat.

Harshtag sorry not sorry sabi nga ng mga kabataan ngayon.

 

P.S. Ilan kaya ang mag-a-unfriend at unfollow o hinde sakin ngayon? Hmmmm

Advertisements