I rarely go to to concerts. The last time was when Gin Blossoms, Smashmouth and Sugar Ray went here in the country and it was so last minute pa.

And we all know that Taylor Swift is going here. At ito ung gusto ko mapuntahan ngayon. Kpayn, ang cliched lang nito pero fan girl ako, keber sa inyo mga Sarah G. fans. Chos. Hahaha! At gusto ko talagang pumunta ng concert!!!

Kaso ito dilemma: WALA NG TICKETS FOR SALE.

Nung unang nagsale ng tickets, log on agad kami kaso down agad ang system kakaloka! Tapos ngayon may seats pa raw ulit, wala na naman, down ulit! Nakakagago na. Pinagmumukhang tanga ang fans.

Nakakastress lang kasi yung may pera ka naman pambiling concert tickets kaso ubos agad, down pa ung website. Tapos para makanood ka, kailangan mong sumali ng mga contests ng mga kung anu-anong brands na para kang pulubing nagmamakaawang makanood. Hello! Buti sana kung ako si Charlie na sobrang swerte at may ginintuang puso na mareregaluhan ng chocolate factory. O kahit man lang sana may swerte sa bunutan. Kaso hindeeee! Hindi ako mabuting bata, hindi pa ko nanalo ever sa kahit saang raffle, wala kong pasensya sumali sa mga pakontes para magpromote ng mga brands na yan, nakakahiyang magtata-tag ng mga tao o mag-isip ng dahilan kung bakit dapat akong manalo kasi wala naman akong sob story. Pwede ba namang manalo ung rason na: may pera ako kaso naubusan na ko ng slots kasi ba naman kalahati yata ng mga tickets imbes na ibenta niyo e binigay niyo sa sponsors para magmukha kaming mga asong naghihintay na magbato kayo ng buto. Jeskelerd. May pride pa naman ako.

Kairitang marketing strats yan. Sana ako si Miranda Priestley na kayang makuha lahat ng gusto niya, o anak ako ng politician na ang connections ko lang magbibigay sakin ng tickets o di kaya sikat na fashion blogger ako na lahat ng perks nakukuha nila. Oh well.

Anyway, umaasa na lang ako ngayon na may mga may tickets na di makakapunta at ibebenta na lang ang seats nila. Bentahan niyo ko please??? Kahit upperbox o gen ad man lang.

Hay nako. Ang Taylor Swift concert tickets singhirap rin pala makuha ng true love.

Makanood na nga lang ng Fringe. Ktnxbye.

Advertisements