Naalala mo pa ba?

Nung araw na sinabi nating “Tama na!”

Ilang araw na lang ba bago tayo mag-babay na?

Tatlo? Dalawampu? Tatlumpu’t isa?

 

Tayo ang mga second class hero

Ngayo’y gumagawa ng kasaysayan

Tayo ang mga nasa likod ng kamera

Ngayo’y ipinaglalaban ang karapatan

 

Simula na ng bagong umaga

Ang magulong nakaraa’y tapusin na

 

Ito na ang panahon, tanggalin ang ‘yong piring

Ngayon ang panahon, tumayo tayo sa liwanag ng araw

Hubarin ang takot, sumigaw, humiyaw

Ang bukas, puno ng pag-asa

 

Sabi natin sa kanila “I have to do this, but I love you”

Sagot nila “I’m not renewing you”

 

Nagalit ang mga loyal

Pang-asar nila, buhay medyas

Akala yata nila tayo’y mabubuwal

‘Di ba nila alam, di tayo aatras?

 

Gising na, ngayon na

Bangon na, kilos na

Handa ka na ba?

Walang atrasan, walang iwanan

 

Walang sigurado, pero ayos lang ‘yan

hawak kamay tayo

hanggang sa huli, nandito ako

 

Simula pa lang ng laban,

Pero kung sa huli’y walang mangyayari,

Masaya ako dahil nagkakilala tayo

Masaya ako dahil sama-sama tayo para sa pagbabago

Hanggang sa huli, ipagmamalaki ko ang labang ito

 

Isang araw, itaga mo sa bato,

Gagawa tayo ng pagbabago

 

#day37 of #65days left

Bow.

Advertisements