First things first, CONGRATUMALEYSHENS to everyone who took the civil service exam last April 17, 2016, pumasa ka man o hindi! Di biro yung gumising ng maaga para sa isang exam ha. At Linggo pa! Habang masayang nagpapahinga ang mga tao at nakikinig ng “never on a Sunday,” ito ka at nakukulta ang utak sa paghahanap sa ‘X’ at kung ano ba ang sinasakop ng Sandiganbayan. ‘X’ na nga diba dapat di na hinahanap yang mga bwisit na yan!

Nagsusulat ako ngayon kasi may nagtatanong sa akin kung mahirap daw ba, so ito na lang para di ako paulit-ulit. Tsaka kasi ang tagal na nung last blog ko, sorry na, ito na nga nasa mood na.

A few nighs back, my cousin Tin, who took the CS exam this year, PM’d me on Facebook saying “Congratulations sa ‘tin ate!” with a screenshot of our names as passers in the recently concluded civil service exam. Shortly after, my sister Cat sent me the same photo with a congratulatory message as well. At the same time, she also questioned me why I didn’t tell anybody I took the exam. #BestInSecretiveAward

csof course, my name’s part ng nabilugan kasi ang priority dito yung pinsan ko haha!

Now, here’s something you have to know about me. I don’t tell things like these to people because feeling ko pag sinabi ko tapos wala pang result e mauusog, ma-jinx ba! Yeah, I’m that girl. But it’s not true I didn’t tell a soul about me taking the exam. I did tell a few friends though because I had to. Magpapasalo kasi ako sa shoot! Haha!

Also because if only few people knew, only few people will feel bad about you failing the exam. Best if no one knows di ba? Only you would feel bad about yourself. And I don’t like it when people feel bad for me. So I find it’s best to let the people know about something kapag final na, than see the look in their eyes na “aww, kawawa ka naman, di ka nakapasa” tsaka kasi I used to be an honor student way back when so feeling nila matalino ako and pag bumagsak ako, like hello, from honor to horror? I have a reputation to uphold! Lol charot! Not that I’m the grade conscious kind of girl, I just hate failing exams. Basically, I hate failing in general.

So everyone in the family were a bit surprised when they found out nakapasa ako, e ni hindi nga ko nagsabi na nag-take ako. Last I saw my mother, she told me “Chill, take ka na CS sa October ha.” I didn’t say a word, kasi uhm, naghihintay na lang talaga ko ng result haha!

A bit more pasakalye… bear with me?

So… I’ve been told I write really long articles and some people who are not a big fan of reading find it really hard finishing my blogs. I say, either you’re lazy or what I write do not interest you one bit. If it’s the former, then shame on you, I can’t even begin how reading is fucking amazing; but if it’s the latter, then no worries! Or should I write more about things that interest you? Lol ikaw mag-blog mag-isa mo.

With that, I’m giving you one surefire way of passing the civil service exam in 140 characters or less:

Here’s the definitive equation: a cup of stock knowledge + 1 teaspoon yabang + 1 baldeng mixture ng luck and dasal (loljk) = PASSED

Loljk. Ito na talaga: after mo makuha ang permit to take the exam, wag kang magsabi kahit kanino na mag-take ka. Unless kailangan. I told my friends Ate Cheng and Julianne kasi nagka-shoot ako ng Sunday. I know, #buhaymedia sucks sometimes. Tapos a day before ng exam, mag-shoot ka. Yung nakakapagod na shoot na aabutin hanggang gabi kahit may early exam ka kinabukasan at groggy kang gigising haha. Tapos habang nasa shoot day before the exam, yung mga down time (byahe to and from the location, only time you’d thank the horrendous Manila traffic) dun ka lang magbasa ng tungkol sa Phil. Consti and shizz dahil feeling mo dun ka olats tapos wala ka namang pag-asa sa Math so para saan pa pero oks lang kasi babakahin mo na yung English part, et al dun ka na babawi ng score. Ugh. So much hubris, Carmina.

How To Pass The Civil Service Exam In One Take

Now, if you still want to know how I managed to pass the exam in one take, here’s the long version:

Una sa lahat, syempre magpasa ka muna ng requirements sa Civil Service Commission. Di ko na sabihin paano gawin, GMG mo na yan beh, malaki ka na.

Secondly, alamin kung ano ang coverage ng exam. As far as I can remember, first part of the exam is all about you, like no right or wrong answers, as long as sumagot ka ng totoo. Bonus 10 points guys! Then there’s abstract/logic, ye know, the kind of exam with all the drawings tapos you have to shade kung ano yung next sa series or how the series came about. Common sense siya, so kung wala ka nyan, aral pa. Then there’s the Math part. I swear to God, sumakit tiyan ko sa Math. Literally. I thought I was having another gastritis attack, but if some people get “nosebleeds” from English, beh, sumakit tiyan ko sa Math! Decimals, fractions, a bit of statistcis and algebra, I kennat! As in hindi ko na maalala ano ang way at formula, so review on this one! I’m super excited to know my score sa Math part because at least ¼ ng part na to, hinulaan ko lang! Hahaha! I mean I tried computing, yung iba tumatama, yung iba, OMG, wala man lang sa choices. LOL.

Then there’s the English part. At this point, my tummy started to calming down and I started to get bored and sleepy. Was running on three hours of sleep! That’s when I realized Math and I are never going to be together.

Pro tip: the vocab part is the hardest because all the answers are right, but you have to pick the “best among the rest” depending on how it was used in the sentence. For wide readers and writers, this could be an advantage as most of the words included pop here and there in literature – whether jologs or highbrow reading man yan, mostly highbrow reading though. So read, read, read. Read my blogs. Lol.

Tapos nun reading comprehension, there are stories/paragraphs and then there are questions about it you have to answer. Basically, ang sagot is nasa binasa, so common sense din siya beh. Then there’s a bunch of arranging the sentences to complete a cohesive paragraph, yung magme-make sense.

And then lastly, Philippine Constitution and Republic act chuvaness, I forgot basta about sa employee something chorva. Basahin mo na lang yung covered topics and read more online. And that’s it! You’re done!

FAQs

Mahirap ba?

Depende sa skillz mo. The hardest part for me was the Math part obvs, as in kahit anong concentrate ko, nagkakaroon ng sariling utak yung utak ko, lol whut, nag-o-automatic shut down siya, parang sleep sa PC ganyan. So I had to focus harder just to answer the questions. #SumakitTiyanKoSaMath

Yung iba naman, they find the English part hard. So I think it all depends kung anong strength mo, I played more on my strength than dwell a lot on my weakness, I guess it pretty much worked out for me since nakapasa naman ako. Haha!

How long was it?

Three hours. So pee before the bell rings ng 8am!

What should I expect?

Maraming maraming questions. Loljk. You know college entrance exams? Similar to that, just a bit more complex.

Why should I take the CS exam?

Kung wala kang paglagyan ng 500 mo, kung hindi ka busy ng Sunday, kung gusto mong mag-work sa gobyerno o gusto mong ma-regular, kung gusto mong mapatunayan na magaling ka, kung wala kang board exam nung college tapos gusto mong ma-exercise at masundot ulit yung karne sa ulo mo, o simpleng bored ka, para sa ‘yo ‘to. Ikaw na bahala, but! I think if you have passed a board or bar exam, no need for a CS eligibility. Also, kung may laude nung college. Not sure. Verify mo na lang.

May tips ka ba para sure ball na pumasa?

Una sa lahat, walang sure ball na pagpasa. Wala ngang sigurado sa buhay na ‘to di ba. Kahit pa yung taong sinabing sigurado na siya sa ‘yo minsan nag-iiba pa isip. JK! After kong i-take yung exam, 50-50 ang assessment ko sa sarili ko. Naging 70-30 nung nag-assess kami ng friend ko. Maski ang English proficiency skills ko muntik ko na kwestyunin.  Ganito, kung aminado ka sa sarili mong hindi ka magaling o nakalimutan mo na ang karamihan sa mga bagay na napag-aralan mo noon o sadyang gusto mo lang mag-top sa CS exam, read CS reviewers, marami dyan.

Kung feeling mo kaya na ng stock knowledge mo, tulad ng kayabangan ko, then by all means, goooo wag kang mag-review. O kung may Felix Felicis ka o di naman kaya sadyang maswerte lang, wag ka na rin mag-review! You can bring water/chicha during exam, pwera kanin! Hindi naman ‘to picnic, beh. Baka sinigang pa ulam mo at may saging ka pa ha. Hahaha. Bring extra pencils and erasers just in case!

Kalma. Wag ma-rattle kahit ambibilis mag-exam ng mga kasama mo, for all you know, nanghula lang sila ng sagot haha. Tulad nung nag-exam na crush ko sa  unahan ko na si “Aaron Samuels,” every fifteen minutes yumuyupyop sa mesa niya para mag-nap, I was like, OMG, bad boy na cute tapos matalino?! O bobo? E wala sa list of passers. Confirmed! Wag mo na tanungin paano ko nalaman name, hokage ako hahaha! Basta maniwalang papasa ka. Claim it! And it’s going to be yours.

downloadme to “Aaron Samuels”

if you have any more questions, feel free to message me or comment away! Will try my best to answer!

I took the exam mainly because I couldn’t stand my parents’ nagging: “Chill, mag-take ka na ng CS.” “Chill, sayang mag-take ka na ng exam para maka-apply ka sa government.” “Ayaw mo ba mag-take ng CS?” “Chill, di ka ba magte-take ng CS?” grabe iba-ibang pag-paraphrase lang. Second reason why I took it was because wala kasing board exam ang Maskom, so parang feeling ko may kulang, wala na kong matindihang aral na ginawa bilang puro practical naman ang mga final exam namin noon.

So ngayong nakapasa na ko, akala ko matitigil na ang pag-nag sa ‘kin to take the exam. CUT TO a day after ma-release ang results, ni hindi ko pa hawak ang official certificate…

Papa: Congrats! Nakapasa ka na pala!

Me: Thanks!

Papa: Anong department ka mag-a-apply?

Me:

readImageOh fuck, this nagging will never end.

So paano? Brb updating my resume for Bureau of Immigration or Customs na muna guys. One corrupt government employee coming your way! #changeiscoming Loljk they reek

Advertisements