October Hanash

October Hanash

photo-1540580633806-c1761a8dd4d5photo from: unsplash

 

Here’s a quick sanity break. I feel like I needed to write because tangina naman unti-unti na naman akong kinakain ng insecurities ko sa buhay ng hindi ko namamalayan. The other night, I found myself crying myself to sleep. Probably just the hormones, or overanalyzing my life again. Ang dami kong feelz tangina.

(Note: If you’re reading this part, wag niyo ko tanungin about it, I open up when I want to or I’m comfortable telling it to you. Or kung may alak. Whichever comes first.)

So free write ulit tayo, walang maninita sa ganito. Wala munang pansinan ng typos o grammatical errors mga kapitbahay. Teynks.

So try natin yung nabasa ko sa Twitter o Facebook yata yun, kapag daw nagsulat ka gamit ang Comic Sans, mas magfo-flow nang maayos ang thoughts mo. Shet, hindi ko alam kung totoo ‘to. Baka nga, si Bob Ong ang daming libro niya printed in Comic Sans, so tignan natin? Game.

A few days ago, may nakwento sa ‘kin yung friend ko and tbh, ‘Twas the craziest thing I’ve heard last month. Sobrang random, one of her Facebook friends messaged her asking her if she needs money. She was a bit puzzled by the question, wondering if she ever told her about her family raising money for down payment to this house they’re buying. Anyway, she asked why, and this girl said pwede silang maghati sa 120k in exchange for uhhh pictures.

Apparently, some foreigner had been giving this ate girl money in exchange for nudez. Di rin namin alam bakit biglang kailangan ng ibang babae na, baka nagsawa na si pervert sa face ni OG nudez sender, ewan. The funny thing was if you knew my friend, she’s the last person you’d think who would do this, as in.

Sakit ulo ko guys, 120k. Kahit yung half lang na 60k, mas malaki pa sa one month na take home pay ko potek. Pose-pose ka lang jusko. I mean, I’m not alien to the concept of sugar daddies, there’s an entire compilation of stories about it on Twitter sent by followers to my kangkarot friend, Dickson, but to actually personally know someone who’d be asked to become a sugar baby, ‘day! Sumakit lalo ang ulo ko, pati bewang ko.

So you know, it really made me wonder how far people would go for easy money. Shoot, bakit ko pa ba tinatanong, e yung gobyerno na lang natin glaring na how far they would go for money, binebenta na nga tayo, G pa rin tayo e. Sadnu.

But that’s not what I really wanted to write about. Hindi natin brand ang sugar daddies wala tayong alam dyan, hindi ko lang talaga mapigilang hindi ikwento. Last week, may napakinggan akong podcast ni Matt D’Avella. Isa siyang YouTuber na mostly self-improvement ang mga ganap sa buhay ganyan. Minimalist. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang drawn ako sa mga self-improvement hanash sa buhay. Baka dahil din siguro sobrang self-aware ko?

Sa isa sa mga fireside sessions nga namin sa office, nagsabihan kami ng magagandang salita sa bawat isa. Tapos may nakapagsabing gusto niya yung pagka-self-aware ko. Ewan ko, good side ko pala yun? Pero sa totoo lang, kung may sasabihin kayo sa ‘kin, either masama or maganda, lalo kung masama, malamang sa malamang, naisip ko na yan tungkol sa sarili ko, dahil nga sa pagka-self-aware ko. Minsan may mga situations na nangyari na tapos ilang beses ko ipe-play sa utak ko on how I could have handled it better. Sobrang critical ko sa sarili ko kaya madalas rin siguro I am so hard on myself. I try to be better, but to be honest, I like that I am very self-aware because I can actually correct the things I don’t like about myself. Ayokong sabihing, “e ganito na ‘ko e. Sinong mag-a-adjust?”

Naniniwala akong hindi tayo nabuhay sa mundo para lang mabuhay nang walang natututunan. Dapat meron tayong character development, wag tayong tumulad kay Bong Go na senador na, wala pa ring arc yung character niya, parang tinamad yung writer na bigyan siya ng konting screentime. Alila ng presidente pa rin tingin sa sarili niya. Kung ayaw mo ng character development, e di sana naging tae ka na lang.

Speaking of tae, grabe pala talaga pumoops ang mga baby ‘no? At grabe rin sila kumain. Si Andres, yung youngest pamangkin ko, born last Oct. 19, 16 times ang personal best niyang pagdede. Shookt ako. Kauuwi ko lang mula sa bahay ng kapatid ko. At holy mother of fuck, nakakapagod talaga mag-alaga ng baby. I don’t know how you moms do it. Puyat na puyat ako, considering hindi pa ako yung nagpapadede, ha? Parang na-drain ako. So hindi ko na lang alam yung kapatid ko. Feeling ko drain na rin silang mag-asawa sa pagod.

Pero kung ganitong mga ngiti naman ang ibibigay sa ‘yo, nakaka-recharge bigla e, ‘no? Nasa stage ka bigla ng ayoko ng baby vs shet gusto ko na magka-baby. But srsly, Carmina Mones, NOT YET READY. Pero sabi naman nila, hindi ka naman talaga magiging ready sa maraming bagay, ‘pag nandyan na sa harap mo, saka mo na lang malalaman anong gagawin mo, ‘di ba?

Dahil nasa usapang character development at pagkilala sa sarili na rin naman tayo, at free writing nga ito, so far, tina-try ko pa ring maging outgoing, kaya finally, nagkita na kami ng isa sa mga “internet friends” ko. Malamang papaluin ako sa pwet ng nanay ko kapag nabasa niya ito, “bakit ka nakikipagkita sa mga taong hindi mo kilala? Ganyan ba kita pinalaki?!” hahaha. Uhm, para makakilala pa ng ibang tao outside sa circle ko? Magkaron ng bagong kaibigan?

Okay, bukod sa 2019 na, naniniwala naman akong magaling akong judge of character AKA praning ako sa mga strangers in general so pag sumama ako sa yo ibig sabihin walang warning bells sa utak ko. That, or crush kita. Charot. Pero yun, pinakain naman ako. Haha. Nakauwi pa naman ako ng buhay. Happy naman ako. Nasusulat ko pa nga ‘to ng walang permiso niya e nakalimutan kong sabihang, “wag kumaibigan ng writer kung ayaw mong may nababasa tungkol sa sarili mo.” Charot. At sa tatlong taon naming nakakapag-usap ng kung anu-ano, okay naman, mej kampante naman ako. Siya pa nga takot sa ‘kin. I think, I really do have that effect on people? Guys, clear ko lang, madali ako lapitan. Madali akong kausap. Hindi ako nangangain ng tao. Tanong niyo pa sa pamangkin kong napanaginipang monster ako at kinain ko siya sa nightmare niya.

Anyway, nalibang ako, circle back tayo dun sa podcast. Medyo nahihirapan ako ngayon ayusin yung finances ko, nagyo-yoyo siya, I mean sure, I shelled out some from my savings account for a small business, and my father asked for financial help for the next 18 months, so medyo nagpa-panic naman ako ‘no? So nung nakita ko yung episode tungkol sa pagma-master ng personal finance mo, e pinakinggan ko. Syempre last week pa yun, last week pa rin dapat pala itong blog na ‘to. Kaso ngayon lang ako sinipag, shet, umeepekto yung Comic Sans sa ‘kin mga baks, what sorcery iz thiz?!

So kwento ko na lang yung takeaway ko. Ang ganda kasi. Isa sa sinabi nung guest is kailangan mong i-define ano ba ang “rich life” para sa ‘yo. Anong pre-conceived notion mo nito? Ito ba yung, “I can buy you, your friends, and this club!” na rich na gusto mo? O baka naman yung nagda-drive ka ng Lamborghini? O ka-rubbing elbows mo na finally ang mga old rich?

And then I realized, it’s interconnected with how I personally perceive success. For instance, meron akong kaibigan na ang notion niya ng success is may bahay, kotse, kayang bilhin lahat, whereas my perception of success is meron kang impact na nagawa sa mundo ng mga taong nakapaligid sa ‘yo.

In the same manner, ganun mo rin tignan ang “rich life” mo. Your rich life may differ from other people’s rich lives. So ‘di ba, babalik na naman tayo sa wag tayong magpakain sa mga nakikita natin sa social media at mag-focus lang tayo sa sarili nating timeline kahit na yung mga bwisit mong tita sa reunion mas nakikielam pa sa timeline mo kung bakit ka mataba, bakit wala pa kayong anak o kung kelan ka ikakasal napag-iiwanan ka na. Daworst. Pakyu po kayo. Very much. Pero sa totoo lang, napakahirap naman talagang gawin hindi magkumpara sa ibang tao. Nate-tempt na naman nga akong mag-hiatus. So ‘pag nawala ako ulit, wag na kayo magtaka, inaayos ko lang ulit sarili ko.

Sabi pa sa podcast, mag-focus ka sa mga bagay na nakakapagpasaya sa ‘yo. Tapos mag-all in ka dun. And then let all the other stuff go. Hindi mo kailangan yan. Decide what your “rich life” is. And then make a plan on how to get there. Change your mindset.

Ganda rin nung discussion tungkol sa utang. Sabi niya, bukod sa tapangan mong ilista lahat ng utang mo, alamin mo rin kelan mo sila dapat mabayaran. Saka ka gumawa ng paraan paano mo sila mababayaran sa set date mo. Kasi kung wala kang deadline, ay pucha, mamamatay ka na’t lahat, may utang ka pa rin. Ang masama niyan, baka pati mga anak mo pa ang magbayad niyan.

Awa ng Diyos, wala akong utang. Sobrang takot ako sa utang. Ang problema ko, masyado naman akong liquid. Wala akong masyadong assets, at kailangan ko yun. I think. O baka yun ang dinidikta ng society sa ‘kin na kailangan ko. Hindi ko pa alam. Isipin ko pa ulit kung kailangan ko ba talaga yun dahil in the end, pare-parehas naman tayong mamamatay at lalamunin ng dagat-dagatang apoy.

Paano naman kumita nang mas malaki? Syemps, manage mo expenses mo. Ganda ng tip kung paano tamang mag-negotiate ng raise sa kumpanya bago pa ang annual raise. Kailangang kausapin mo ang boss mo ng mga ito, ganito ang mga kaya kong gawin. Ito ang mga gagawin ko, gusto kong mag-take ng mas maraming responsibility dahil kaya ko na. Hindi ako manghihingi ng raise, pero kung magawa ko, pwede ba natin itong i-discuss sa future? Tapos galingan mo bes. After six months, pakita mo results. Circle back ka sa usapan niyo six months ago, then negotiate ng sweldo base sa market rate. ‘Di ba? ‘Di ba? Galing! Di ko lang alam kung ubra sa kultura nating mga Pinoy na mahiyain, o medyo mababa ang self-worth. Obserbasyon lang naman.

Maging yung tip kung paano ka makakapag-charge ng mas malaki kung freelancer ka. Ang pro tip niya, tignan mo ano pa bang pwede mong i-offer na hindi ino-offer ng iba? I-one up mo sila. Likewise, alamin mo yung ginagawang iba ng mga taong kayang magbigay ng rate na x10 sa current rate na binibigay mo. Aralin mo. Imitate, then innovate. Ayos. Kung may sumubok nito, pakibalikan ako ng results ninyo.

Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako napapaisip na sana nakinig ako sa personal financial management class ko nung second year college. Sana mas pinagtuunan ko ng pansin yun kesa sa communication theories na hindi ko naman nagagamit IRL. Sana rin mas naging magaling ang mga magulang ko magturo kung paano humawak ng pera o instead of telling us, “mag-aral kang mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho,” itinuro sa ‘min paano maging sarili naming boss, lalo na’t may maliit na yelohan naman si papa dati na siya ang boss. Or you know, sana kaya kong lunukin yung pride ko para pumose-pose para mas madali na kumita ng pera o di kaya magaling akong mag-photoshop para mag-edit na lang ako ng nudez kahit di talaga ako yun tapos send ko dun sa sugar daddy para wala na kong problema. Charot, joke lang yung last.

NOT IN THIS BODY. (Dahil wala rin namang titingin.)

 

 

 

 

 

 

2 thoughts on “October Hanash

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s