Answering ‘Adulting’ Questions from Facebook

Answering ‘Adulting’ Questions from Facebook

emily-morter-8xAA0f9yQnE-unsplashTinatamad pa talaga ko maghanap ng trabaho. Sabi ni Jolens sagutan ko na raw itong mga tanong tungkol sa crush ko pero syempre ayoko, paano kung biglang maligaw yung crush ko dito tas mag-feeling siya bigla? Hahaha. Hello? So ito na lang, para kunwari productive ako ngayong araw at on brand naman sa ‘tin bilang tita ang mga adulting eme na ganito, ano?

May isang Facebook group akong kinabibilangan, tapos may nag-post dun ng ano raw adulting questions mga bagets tas daming nagtanong at sumagot. Habang tina-type ko ‘to, nasa 1.4k na ang comments. Ang saya basahin, kung marami kang time at hindi rin marunong mag-adult. Marami rin akong time pero syempre, sa dami ng sagot, natabunan na. So naisip kong pipili ako ng Top 10 questions tapos sasagutin ko because dalawang buwan na kong walang content hahaha. Tsaka kunwari ano, sikat tayo tas directed at us talaga itong questions na ito. Tipong yung mga Buzzfeed-type videos na Carmina Mones plays with puppies while answering adulting questions. Ganyan.

 


 

Ano po advice niyo sa mga nagkaka-existential crisis ngayon? Ang hirap kasi nung di mo alam kung ano yung plans mo in the future.

Tara, e-numan tayo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam plans ko sa future. Ni hindi ko alam kung relevant pa ba ang mga bagay na ginagawa ko bago dumating ang pandemyang ito. Sa kasalukuyan, meron din akong existential crisis na tinatapalan ko ng pakikipaglaro sa pamangkin kong si Andres o pagbabad sa Korean drama o di naman kaya sa social media at pagsagot ng mga ganitong bagay. Mas madali kasing tumakas, sa totoo lang. Pero may mga araw na mapapa-“huy, Carmina! Ano na plano natin?!” ka talaga. At sa ngayon, ang ginagawa ko ay yung natutunan ko pa rin sa last kong work, na alam ko nabanggit ko na rin dito noon. Ito yung framework (wuw may framework):

where I am now: describe mo anong situation mo, mas vivid, mas okay yan

where do I want to go: same sa taas, describe, in five years, in ten years, ano dapat ang nagawa mo na, nasaan ka na? Like anong ginagawa mo right at this very moment?

how do I get there: ngayon, anong steps sa tingin mo ang dapat mong gawin para magkatotoo yung nasa taas? Kung marami kang isinulat sa taas, mag-prioritize ka. Alin dyan pinaka-importantest para sa ‘yo?

May shinare rin ang kaibigan kong si Chinny na article nung recent na usapan namin nito lang after namin mawalan ng work: para mag-recalibrate ng sarili mo, maglista ka raw ng mga priorities mo according sa practice ni Warren Buffet. Long story short, list down your top 25 priorities. Then bilugan mo yung top 5. The rest of the 20, ilagay mo sa “avoid at all cost” list. Kasi raw, 20% of our priorities account for 80% of our results, mas focused ka sa kokonting bagay, mas successful ka. Siguro ganyan, baka magbasa-basa rin ng mga bagay na makakapag-refocus at re-organize ng buhay mo. Balitaan niyo ko kung gumana sa inyo, try ko rin. Charot.

When to career-shift?

Kapag may bagay kang gustong gawin na hindi na nafu-fulfill ng current mong ginagawa. Kapag may nagging feeling na, “hindi ko ‘to dapat na ginagawa” or dina-drag mo na ang sarili mo papasok ng opisina at as in wala ka ng motivation para sa trabaho mo, yun na!

When is the good time to invest and which are the good investment, para hindi lang puro sahod sa full time job yung pumapasok na pera. Also, what are things you wished you knew when you were just started sa adulting?

The best time to invest financially is if may emergency fund ka na na worth 3-6 mos. ng cost of living/expenses mo na liquid para sa mga panahong tulad ngayon. Tapos savings kahit konti lang na pwede mo ring pagkuhanan. Yung karugtong na tanong parang sa stocks na ‘no? Wala akong alam sa stocks, bukod sa PruLife VUL ko na insurance na may kasamang investment, pagbili ko ng stocks sa business ng dati kong boss (di ko na natanong ano na balita dito haha), at sa naging mutual fund ko sa Sunlife dahil di nila ko in-approve na VUL, wala na kong ibang investment. Sa kung sinumang may alam sa stocks na makakapagbasa nito, pakibigay ng payo ninyo, need ko rin. Hehe.

Sana alam ko na noon pa paano tamang i-budget pera ko. Dami ko na sigurong ipon ngayon. Sana lagi akong nagjo-journal kasi ang saya balikan ng kahapon, dami ko ring learnings sa old self ko. Sinasabi ko pa rin sa sarili ko yan jusko saan na ba bullet journal ko puro breakdown ng budget na lang content nun.

Paano po mahalin ang sarili? Is there an indicator po para malaman if I’m doing it right? How does if feel po ba huhuhu and if ever, gaya din po siya ng case when someone loves you?

Simple. Be the best girlfriend you can be to yourself. You’re doing it right if you are happier, and more content, and confident about yourself. Treat yourself the way you want others to treat you para alam mo rin na when you’re not being treated right, iwan mo na. May standards tayo dito ganoin.

Una nagsimula ako sa skincare, tapos sa meditation, tapos sa pagbalik sa pagbabasa at panonood ng mga bagay na makaka-enrich sa ‘kin as a person – either plain entertainment or practical learning. Then I’ve started saying “Yes” to myself more. Sabi nga ng Ben&Ben, “pipiliin ka araw-araw.” In this case, piliin mo sarili mo. Lalo kung wala kang sinasagasaang ibang tao.

Anong mga unang dapat gawin pagka-hit ng legal age (18 years old)?

No shit, a day after I turned 18, sinamahan ako ng tatay ko magparehistro sa COMELEC. Granted, dahil yun sa tatakbo siya sa pagka-chairman sa darating na eleksyon nung time na yun, pero still one of the best decisions I’ve done. Lalo kung marami kang opinyon sa gobyerno. Ang hirap na puro ka reklamo pero di ka naman kumikilos sa pagluklok ng mga taong may kakayahang baguhin ang estado ng mga mamamayan sa bansa mo. Lalo sa panahon ngayon. Ganti tayo sa 2022!

How to stay passionate or motivated?

You start with your ‘why’. Napaka-passing ng mga bagay-bagay so dapat lahat ng gagawin mo rooted sa ‘why’ mo. Mas nagiging gritty ang isang tao kung yung ginagawa niya ay powered by purpose, not by sparks of inspiration. Then focus on the hows and whats para ma-achieve mo anuman yung goal mo. Learned this from Simon Sinek. 🙂

Paano po masasabi na hindi ka na “bagets” at “adult” ka na pala?

Kapag nasasabi mo na yung linyang: “nung panahon namin…” hahahaha! Srsly, though, kapag ikaw na talaga responsable sa sarili mong buhay. Yung mga decision mo mga 10 times mo na iniisip yung implications sa mga bagay at taong importante sa buhay mo. Kapag ang dami mo ng bills haha.

(What to do with people) Shoving their opinions on how you will decide on things na dapat yun sundin mo?

Ikaw ba nagpapakain sa ‘kin? Nakatira ba ko sa ‘yo? Binibigyan mo ba ako ng allowance? Wangie, Intoy, kayo ba yan? If yes, then siyempre naman may factor yang opinion mo sa buhay ko. If none of the above, nagma-matter ba sa ‘kin ang opinyon mo sa buhay ko? Hiningi ko ba? Kasi nanghihingi lang ako ng opinyon sa mga taong nagma-matter sa buhay ko. Buhay mo? Buhay mo? Haha. Kung hindi kita hiningian nito, get your hands off my damn business. But say it in a nicer way, di ko kaya yun e.

Job interview do’s and dont’s

Huh. I’ve written an entire blog about this here. But if you want an updated copy, please buy a copy of my book, Adulting and Winging It! Hahaha. I’m not even kidding. I’ve interviewed an HR professional and asked some friends on their best practices as well. O ‘di ba, nag-promote lang, akala mo naman may kopya pa siya hahaha. E-book version na lang meron. Lol.

Is there such thing as consulting about financial literacy and investments from someone na hindi ka balak bentahan ng insurance?

Meron naman! Actually, I had a subject in college called Personal Financial Management na hindi ko sineryoso, so sising-sisi ako when I realized na fuck, kailangan ko mag-ipon to live a comfortable life because I wasn’t privileged enough to be born into a wealthy family. So kayod tayo. Anyway, there are blogs out there that talks about handling your finances. My sister introduced me to Vince Rapisura’s channel when it comes to handling your finances. What I liked about his channel is hindi siya mahirap intindihin lalo ng mga masang Pilipino at mahina sa math haha kasi ine-explain niya nang maayos and in Tagalog. Hindi siya nagbebenta ng insurance. Lol.

How to deal with toxic relatives po?

I think para sa ‘kin talaga ‘tong question na ‘to. Lol. Una, distance yourself from toxic relatives. I can’t remember the last time I attended a family reunion because a big chunk of my family are people I do not want to mingle with anymore. It’s not just the whole “kelan ka mag-aasawa” questions, but the judgments sa kung paano ko mabuhay and my decisions in life. Hellooo. Mama at Papa ko nga, hindi ako pinakielaman, sinuportahan pa ko, tas ikaw? Lalo yung mga porket matanda sila sa ‘yo ‘kala nila sila lang yung tama. Ugh.

Yung mga gusto ko pang mag-stay sa buhay ko, I stay in touch with them as much as I can. My parents hate me for being like this, but this is my life and this is how I want to live. There are a lot of times wherein hindi mo na nga maasahan ang “pamilya” mo, ichi-chismis ka pa. So para saan pa, di ba? If you can’t avoid them, bawasan na lang ang social interaction with them. Or at least be polite and civil kung makikita mo in person. Kung sa social media naman, the unfollow and block button are there at your disposal.

 


 

At dahil uso naman ang tanungan ng ambag ngayon, kung binabasa mo ito at may sagot ka sa mga tanong sa itaas, share mo na rin! Or kung may tanong ka, o sige, sagutin na rin natin, tutal pare-parehas pa rin naman tayong nakakulong sa mga bahay natin dahil napakainutil ng gobyernong ‘to. Bye.

 

*photo mula sa Unsplash. Shelemet mars Emily Morter.

One thought on “Answering ‘Adulting’ Questions from Facebook

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s